Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas dadayuhin ng Chinese Taipei (Homecourt advantage!)

NAKASANDAL sa pambihirang homecourt advantage, tatangkaing dumalawang sunod na panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa dayong Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayon sa inaasahang aapaw na Smart Araneta Coliseum.

Magsisimula ang aksiyon 7:00 ng gabi para subukan ng pambato ng Filipinas na maisukbit ang 2-0 kartada upang masolo ang unahan ng Pool B ng Asian Qualifiers na magiging batayan kung sino ang makapapasok sa FIBA World Cup sa 2019 sa China.

Sasakyan ng Gilas ang pambihirang 77-71 panalo sa Tokyo noong nakaraang Biyernes kontra Japan sa pangunguna nina Jayson Castro at Andray Blatche.

Sinementohan ang kanyang kartada bilang two-time Best Point Guard in Asia, tinabunan ni Castro ang mga Hapon sa kanyang 20 puntos, 7 rebounds at 6 assists kabilang ang dalawang magkasunod na tres sa huling dalawang minuto upang pigilan ang pagbalik ng Japan mula sa pagkakaiwan sa 12 puntos.

Nag-ambag ang naturalized player ng Gilas na si Blatche ng 13 puntos at 12 rebounds habang mayroon 12 at 10 puntos ang mga kamador na si Matthew Wright gayondin ang kapitan ng Gilas na si Gabe Norwood.

Samantala, makahaharap nila ang gutom sa panalong Chinese Taipei matapos makalasap ng nakapanlulumong 66-104 kabiguan sa Australia sa sariling homecourt sa Taipei Heping Gymnasium.

Pangungunahan ng naturalized import na si Quincy Davis ang tangka nilang pagsilat sa Filipinas matapos kumayod ng 17 puntos, 5 rebounds, 4 steals at dalawang supalpal kontra sa Australia.

Sa kabilang banda, tangka ng Australia ngayon ang 2-0 kartada kontra sa dayong Japan sa krusyal na sagupaang gaganapin sa Adelaide.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …