SUSUNUGIN ng mga awtoridad ang 4.7 milyong pakete ng Mighty Corp. cigarettes na may pekeng stamps sa Davao City.
Ayon sa ulat, susunugin ang nasabing mga sigarilyo sa Holcim plant.
Ang mga sigarilyo, nagkakahalaga ng P142.440 milyon, ay kinompiska ng mga awtoridad mula sa Sunshine Cornmill Co. sa General Santos City noong 6 Marso 2017.
Sinabi ng Department of Finance, ang Mighty Corp. ay may tinatayang P1.394 bilyon excise tax liability and penalty base sa kinompiskang mga sigarilyo.