MABIGAT na inirereklamo ng sidewalk vendors na nakapuwesto mula Hermosa St., hanggang Tayuman ang grupong tagasingil ‘este Tagasupil na umano’y humihingi sa kanila ng tara kada isang linggo.
Anak ng tara!
Hinaing ng mga vendor na inoobliga raw silang magbigay ng P100 kada isang linggo ng mga tauhan ng Tagasupil.
Hindi raw sila puwedeng pumalya dahil kinokompiska nila ang kanilang kalakal. Dinaig pa raw ang Hawkers na P20 lang kada araw ang hinihingi. Legal naman daw ito dahil iniisyuhan sila ng resibo mula sa Manila city hall.
Ilang beses din daw nilang sinubukang humingi ng resibo ngunit isa lang ang itinutugon, sila raw ay direkta kay Manila Mayor Erap Estrada.
Pinamumunuan daw ang nasabing grupo ng isang Boss Allan na anila’y maimpluwensiyang tao at nuknukan nang lakas kay Punong Lungsod Erap.
Nais rin nilang iparating sa kinauukulan, kung awtorisado ba at legal ang grupong Tagasupil na humingi ng ‘tara’ sa mga vendor?
Saan ba naman daw kaya napupunta ang nakokolektong ng grupo?
Kaawa-awa naman daw ang situwasyon nila dahil parang ang nasabing grupo ang kanilang ipinaghahanapbuhay.
***
Belated happy happy 62nd birthday to DOH Mimaropa regional director, Dr. Ed Janairo last Monday November 20, 2017.
Nawa’y marami ka pang matulungang mga tao, hindi lamang sa iyong nasasakupan kundi sa buong bansa.
Inilunsad ni Dr. Janairo ang programang Wellness na ilang libong Rural Health Workers (RHW) ang nagsanay nang dalawang taon sa nasabing gawain.
Pinangakuan niya ang RHWs ng blood pressure apparatus at stethoscope para lalong ma-ging epektibo ang kanilang serbisyo sa kanilang barangay sa buong Mimaropa.
Taos-puso raw silang umaasang ihahatid ng pamahalaan ang lahat ng tulong sa darating na mga araw sa pamamagitan ni Dr. Janairo.
Muli po, maligayang kaarawan at nawa’y lalo kayong pagpalain ng Poong Maykapal.
Mabuhay po kayo Dr. Janairo!
YANIG
BONG RAMOS