Saturday , December 28 2024

Jm De Guzman, balik-showbiz na

MASAYANG ibinahagi ni JM De Guzman ang pagbabalik-pelikula niya sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Instagram account ng picture kasama ang producers ng  TBA (Tuko Films Productions Inc., Buchi Boy Entertainment, at Artikulo Uno).

Mayroong caption ang picture ng pasasalamat dahil ang TBA ang  nagbigay daan sa kanya para makagawa ng pelikula.

Aniya, “Mr. Ed Rocha and Mr. Fernando Ortigas, thank you for the love and the strong support in my recovery. You gentlemen saved my life.”

Bukod dito, nagpasalat din siya kay Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.

“Thank you for the movie offer. Can’t wait,” saad ni JM.

Ang TBA ang prodyuser ng Heneral Luna, Smaller and Smaller Circles, at ang pinakahihintay na Goyo: Ang Batang Heneral.

BAGSIK NI JULIO
ARDIENTE, HINANGAAN
SA ASIAN TV AWARDS

HINDI naman talaga matatawaran ang galing ng isang Tirso Cruz III kaya hindi na kataka-taka kung maging nominado siya sa 22nd Asian TV Awards para sa kategoryang Best Supporting Actor.

Si Pip ang tanging Pinoy actor na nakakuha ng nominasyon sa Asian TV Awards dahil sa mahusay niyang pagganap sa Wildflower ng ABS-CBN bilang ang mapakapangyarihang gobernador na si Julio Ardiente.

Makakalaban ni Tirso sa nasabing parangal sina Han Chang mula Taiwan,  Chen Mu Yi at Sani Hussin ng Singapore, at Oabnithi at Krissanapoom ng Thailand.

Sa Dec. 1 magaganap ang 22nd Asian TV Awards sa Suntec, Singapore

DAYANARA TORRES,
WAGI SA DANCE
COMPETITION SA US

dayanara torres Mira Quien Baila Look Whos Dancing

NANALO si 1993 Miss Universe Dayanara Torres sa Mira Quien Baila Look, Who’s Dancing dance competition sa United States para sa Univision.

Nakapag-uwi ng 50,000 si Torres na ibibigay niya sa napiling charity, ang San Jorge Children’s Foundation sa Puerto Rico. Bale 10 linggong ginawa ang intense dancing competition na pagkaraan ay napagwagian ni Torres.

Nakalaban niya si Ana Patricia Torres sa final dance showdown.

 

YENG AT KIM,
BIBIDA SA NICE
TO MEET YOU 
FILIPINO-CHINESE
CONCERT

112217 Yeng Constantino Phil-Chi Star Concert Nice To Meet You

ANG pop-rock princess na si Yeng Constantino at chinita princess Kim Chiu ang napili para mag-perform kasama ang ilan sa mga kilalang Chinese singers sa kauna-unahang Phil-Chi Star Concert, ang Nice To Meet You na gaganapin sa Enero 17, (Miyerkoles), 8:00 p.m. sa Mall of Asia Arena.

Ma­kakasama nina Yeng at Kim ang mga sikat na Chinese performers na sina G.E.M., Della Wu, Chief (Chao Chuan), at Da Zhuang sa isang bonggang concert na ipinrodyus ng Philippine Dragon Media Network (PDMN).

Layunin ng Nice To Meet You na magdala ng pinaka-exciting na music event sa simula ng bagong taon para higit pang ipakilala ang parehong local at Chinese music.

Kaya naman nakipagsanib-puwersa ang Star Music at Cornerstone Entertainment para magdala ng local artists na kakanta kasama ng mga bisitang Chinese celebrities.

SA concert, asahan ang Mandarin version ng sumikat na awitin ni Yeng na Ikaw, habang si Kim, na kamakailan ay naglunsad ng kanyang ikatlong album na Touch Of Your Love mula sa Star Music, ay nakapag-rekord na rin ng ilang Chinese songs noong mga nakaraang taon, tulad ng Peng Yu at  Yue Liang Dai Biao Wo de Xin.

Bukod kina Kim at Yeng, kaabang-abang din ang gagawing performance ng tanyag na Loboc Children’s Choir mula sa Loboc, Bohol sa nasabing concert.

Mabibili ang tickets sa lahat ng SM Tickets counter, Lucky Chinatown Mall Ground Floor Concierge, at sa smtickets.com sa halagang P17,800 (VIP), P15,000 (patron), P8,500 (lower box), P4,200 (upper box) at P2,800 (general admission). Abangan ang ticket launch date sa Sabado (Nob. 25) at magkakaroon din ng preselling activity ngayong Martes (Nob. 21), simula 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m., na may handog na 10 percent na diskuwento.

CLIQUE5,
HINASANG MABUTI

MALAKI ang kompiyansa ng 3:16 Events and Talent Management Company sa Clique5 na binubuo nina Marco, Karl, Sean, Clay, at Josh kaya naman gusto nilang pasikatin at i-build-up ang mga talented na kabataang ito.

Ayon sa management ng 3:16 Events, hinasa munang mabuti ang lima bago sumalang sa recording. Nag-acting worshop ang Clique 5 sa PETA at tuloy-tuloy ang ginagawang voice lesson at personality development training.

“Ayaw naming half-baked o hilaw ang Clique 5 kapag isinalang. Gusto namin prepared sila at ready talaga sa mundong papasukin nila,” giit nina Kathy at Len, namamahala ng 3:16 Events and Talent Management.

Kaya noong Nobyemre 18, kasabay ng pagpapakilala sa grupo ang paglulunsad ng kauna-unahan nilang Digital Christmas song na may titulong Tuwig Pasko na nilikha ng award-winning songwriter na si Joven Tan.

Bukod ditto may mga awitin pang ginawa si Joven para sa Clique5 na hugot song, ito ay ang Bakit Hindi? at ang upbeat na Pwede Ba, Teka Muna na ang lakas maka-LSS (last song syndrome).

Sa tanong kung ano ang ipinagkaiba ng Clique5 sa ibang boy group sa bansa, sinabi nina Len at Kathy na, “They are the total package. Puwede silang kumanta, sumayaw, at umarte. Hindi limited ang kanilang talent.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *