KABI-KABILA ang mga debate kung dapat nga bang suspendihin ang operasyon ng MRT ngayon kahit walang pal- ya ang mga aberya nito na naglalagay sa panganib ng mahigit 600,000 pasahero na sumasakay rito araw-araw.
Ayon sa pamunuan ng MRT at maging ng mga opisyal ng Department of Transportation, matagal na nilang pinaplano ang pagsuspende sa operasyon nito ngunit hindi nila magawa dahil wala pa silang nakikitang alternatibong solusyon kung saan pasasakayin ang mga maaapektohang pasahero.
Maging ang MRT commuters ay hati rin ang opinyon. Nangangamba ang marami para sa kanilang buhay at nangangamba rin sila kung may masasakyan ba sila kung sakaling matigil ang operasyon ng MRT.
Hindi maaaring ‘pag naisip na suspendihin ang operasyon ay agad itong ipatutupad. Hindi karakarakang ititigil ang operasyon nang hindi napag-aaralang mabuti.
Oo, naroroon na tayo, ang kaligtasan ng mga pasahero ang dapat isaalang-alang. Pero dapat din tayain o alamin kung mas makatutulong ba ang plano o lilikha lang ng dagdag na problema.
Dapat ay may alternatibong sasakyan para sa mga pasahero ng MRT sakaling ipatupad nga ang suspensiyon. Tiyakin munang may masasakyan ang mahigit 600,000 pasahero bago sumige sa kung anomang plano. At ang mga pasahero ay dapat rin ihanda ang kanilang sarili kung ano ang magiging resulta nito.
Pero sana sa dakong huli, walang magsisisihan.