HINDI pumapasok sa isipan ng tatlong Lola ng Eat Bulaga—Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo), bida sa Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombiesna mapapanood sa November 22 hatid ng APT Entertainment at M-Zet Productions na sila ang papalit sa TVJ (Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon).
Hindi nga alam ni Jose kung kakayanin nila ang nagawa ng TVJ dahil malayong-malayo ang ginagawa nila sa mga nagawa na ng Eskalera brothers. Bonus na nga sa kanila kung nakikita nila sina Tito Sen, Bossing Vic, at Joey na natatawa sa kanilang jokes.
Ayon naman kay Wally, ”Marami pa kaming kakaining bigas. Iba pa rin ang Tito, Vic & Joey. Starstruck pa rin ako sa kanila.”
Tsika naman ni Paolo, ”Nakakahiya! Nakakahiya naman talaga. Kapag sinabi mong papalit, parang successor. Hindi naman kasi papalit, nag-iisa lang ang tatlong ‘yun.”
Gusto nilang maging successor ng tatlo pero alam nilang matagl pa ‘yun at marami pa silang dapat gawin para mapantayan man lamang ang husay nina Bossing V ic, Tito Sen, at Joey pagdating sa pagpapatawa.
ANDRE AT HEAVEN,
BAGONG DAGDAG
SA LUMALAKING
PAMILYA NG BNY
IDINAGDAG sa lumalaking pamilya ng BNY ang guwapong anak ng award winning actress na si Aiko Melendez at mahusay na actor na si Jomari Yllana, si Andre Yllana at ang ex PBB Teen Housemate na si Heaven Peralejo.
Sabay na pumirma ng 1 year contract noong Sabado, Nov. 18 sina Andre at Heaven na ginanap sa La Creperie, White Plaines Q.C. kasama ang mga big boss ng BNY na si Mike Atienza, Ms. April, at Ms.Denice.
Ito ang maituturing ni Andre na 1st endorsement niya nang maging teenager kaya naman very thankful siya sa pamunuan ng BNY dahil binigyan siya ng pagkakataong maging parte ng lumalaking pamilya ng BNY.
Second endorsement naman ito ni Heaven na proud na maging ambassador ng isa sa pinakasikat na clothing line sa bansa.
Ayon kay Mr. Mike, kaya nila kinuha sina Andre at Heaven ay dahil nakita nila ang potential ng mga ito na kikinang ang bituin katulad ng kanilang mga iba pang endorsers na sina Barbie Forteza at Joshua Garcia at mga naging iba pa nilang Ambassadors mula kina Gelli De Belen hangang kina Jake Vargas.
Dagdag pa ni Sir Mike, magiging busy sina Andre at Heaven dahil ililibot sila ng BNY sa buong Pilipinas at makikita din sila sa mga naglalakihang billboards ng BNY nationwide.
ARJO KAY SYLVIA:
PARA SIYANG CATERING,
ANG HILIG MAGPAKAIN
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink sa utak ni Arjo Atayde na matutupad ang kanyang pangarap na makasama ang inang si Sylvia Sanchez sa isang Teleserye na pareho silang bida. Ito ay sa pamamagitan ng Hanggang Saan na mapapanood na sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN simula November 27.
Ayon kay Arjo, ”I can’t describe the feeling. Siguro kasi hindi pa kasi nagsi-sink in sa akin. It’s unexpected, I guess. I wasn’t expecting to work with her this early. Siguro I will take it as part of my journey, everything that happens to me right now, every blessing I just enjoy it. It’s a blessing. I am thankful. I’m very excited.
“Pakain nang pakain. Para na siyang catering. As a mom loving, may times na seryoso, may times na masaya, depende siguro sa mood niya. Bilang co-worker, she’s also protective, matanong.
“Before grabe, ibang klaseng magtanong. ‘Umuwi ka na.’ parang baby. As co-worker, tulad ng sinasabi ng lahat at alam ng lahat, lagi siyang nagpapakain. We talk about serious stuff on the set also. Masaya lang kami,” pagtatapos ni Arjo.
SYLVIA, MULING BIBIDA
SA HANGGANG SAAN
“GAGAWA si Sonya ng argumento sa mga Nanay at mga anak. Ang tanong, gagawin ko ba ang ginawa ni Sonya? Dapat ba ginawa niya o hindi niya dapat ginawa ‘yung krimen?” Ito ang pahayag na 2017 PMPC’s Best Drama Actress na si Sylvia Sanchez kaugnay sa kanyang role sa Hanggang Saan namapapanood na sa Kapamilya Gold sa November 27.
Ibang klaseng nanay naman ang mapapanood sa Hanggang Saan na malayong-malayo sa nanay sa minahal ng mga manonood sa The Greatest Love na si Nanay Gloria mula sa kilos hangang sa atake ng acting ayon na rin kay Sylvia.
Pasasalamat nga ang gustong ibalik ni Sylvia sa GMO Unit at sa kanilang director dahil katulong ito para maging iba ang character ni Sonya sa character ni Gloria.
Makakasama ni Sylvia ang kanyang anak na si Arjo Atayde, gayundin sina Theresa Loyzaga, Ariel Rivera, Yvez Flores, Sue Ramirez, Nanding Josef, Ces Quesada, Sharmaine Suarez, Viveika Ravanes, Rommel Padilla, Nikko Natividad, Arnold Reyes, Maila Gumila, Jun Jun Quintana, Maris Racal, at Marlo Mortel, mula sa direksiyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian.
CLIQUE 5,
BAGONG GRUPONG
TATANGKILIKIN
AT MAMAHALIN
NG MGA PINOY
ISA sa aabangan at mamahalin ng mga Pinoy na mahilig sa boygroup ang Clique 5 na binubuo ninaKarl, Josh, Sean, Clay, at Marco Paulo.
Ilan sa Clique 5 ay galing sa C10 Teen Search August maliban kay Clay. Habang galing din sa Mr. and Ms. Olive C at naging endorser ng cologne si Karl.
Ang Clique 5 ay alaga ng 3:16 Events and Talent Management Company na pinamamahalaan ninaMs Len at Madam Kathy.
May maagang Pamasko ang grupo sa kanilang mga tagahanga at ito ang kanilang awiting Christmas single, ang Tuwing Pasko.
Tinatapos na rin ng Clique 5 ang kanilang album na may carrier song na Pwede Ba, Teka Muna!
MATABIL
ni John Fontanilla