Tuesday , December 24 2024

Sino-sino ang mga double agent sa BI?!

ISANG intelligence report ang tinututukan ngayon ng Malacanañg tungkol sa ilang personalidad (double agent) ng Bureau of Immigration na nagbibigay ng ilang malalalim na impormasyon sa mga kilalang ‘detractors’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito rin ang pinatututukan ng Malacañang kay SOJ Vitaliano Aguirre kaya naman ganoon din ang naging babala niya sa mga ahensiyang kanyang pinamumunuan na maging alerto at mapagmatyag sa mga kalaban na pilit gumigiba sa administrasyon ni Tatay Digong!

Sa mga ganitong scenario, my heart bleeds for BI Commissioner Jaime Morente.

Sayang ang bait ng mama, kung mayroong mga ganyang elemento na sisira sa kanya.

Seldom you can find a man, na makauunawa sa kalagayan ng kanyang hinahawakang ahensiya.

Kung nagkataon at natapat sa kasalukuyang kalagayan ang panahon nina expelled ‘este ex-commissioners Pabebe Boy Mison at Ric David Dayunyor, baka sa kangkungan lahat pupulutin ang mga empleyadong ‘yan ng Bureau!

May report din na nakarating sa atin na kasama sa mga binalaan ni Comm. Morente ang ilang nakapaligid sa kanya o ‘yung may direct access sa ilang kilalang kalaban ni President Duterte.

‘Yan na nga ba ang ating babala noon pa sa kanya na maging “aware” sa mga ganyang klaseng personalidad sa bureau na bagamat nakikinabang sa ahensiya ay pilit pang uma-underground makaprehuwisyo lang!

Agree ka ba riyan, RPL?

Ang atin lang maitutulong kay Commissioner Morente at sa dalawa pa niyang deputies na sina Toby Javier at Aimee Neri ay suportahan sila sa kanilang adhikain na maging normal ang takbo ng BI sa kabila ng hinaharap na problema tungkol sa pagbaba ng kita ng mga kawani.

Kung tutuusin madali lang naman i-eliminate ang mga ganyang klaseng tao.

Puwede silang pagsama-samahin sa iisang dibisyon na wala silang access sa files ng Bureau.

Kung wala kasi silang makukuhang dokumento, wala rin sila magagawang ebidensiya laban sa administrasyon.

Korek ba Mr. Dads Pinera?

Alalahanin na ang labanan ngayon ay papel o dokumento na puwedeng gawing butas. Ito ang karaniwan ngayong ginagawa ng ilang makukulit na mambubutas ‘este mambabatas!

Shout out na rin sa lahat ng empleyado. Sana ay maging vigilant kayo at ibigay ang inyong suporta sa tatlo ninyong commissioners!

Baka kayo ay magsisi kapag nawala ang mga bossing ninyo ngayon at ang pumalit ay mga hindi nakaiintindi ng kasalukuyang sitwasyon.

Protect your interests!

You know what I mean!!!


LIMITED
ACCESS
SA CQSS

ISA raw sa naging problema ngayon sa lahat ng opisina ng BI ang pagkawala ng kanilang access sa CQSS o ang Central Query and Support System.

Ang CQSS ang access file ng lahat ng airports, seaports at mga opisina ng BI para malaman kung may derogatory record ang isang local or foreign national kung papasok o lalabas sa bansa.

Ito rin ang basis para malaman kung dapat aprubahan ang isang application for permanent or temporary visa ng mga banyaga.

Sa natanggap nating report, nalaman umano ng Department of Justice na maraming records ang ini-extract ng mga gustong gumiba kay Pa­ngulong Digong at ginagamit ang ilang empleyado na may access sa CQSS?!

Susmaryosep!

Nakapagtataka nga na kung bakit minsan sa Senado o Kamara ay may hawak na travel records agad ang ilan sa kanila at ginagamit na ebidensiya sa mga taong gusto nila benggahin o laba­nan!

Ang hindi lang maganda, maging sa airports ay nawala ang CQSS.

Airport ang first line of defense natin sa mga terorista, sindikato o fugitives na magtatangkang pumasok sa bansa.

Ito rin ang unang tinitingnan kapag duda sa personalidad ng taong lalabas ng bansa dahil baka may pending Hold Departure Order or Lookout Bulletin Order.

May mga pagkakataon kasi na delayed ang encoding ng HDO or LBO sa Computer Section ng BI kaya madalas nalulusutan ang mga airport lalo ngayon na wala nang CQSS.

Sa ngayon ay kailangan pa raw mag-verify sa BI main office or sa BINOC para malaman ang record ng isang tao.

Paano kaya kung walang pasok or holiday sa BI main office? Natural na made-delay ang pag-alis ng isang tao?!

E ‘di malaking aberya o gulo ang mangyayari kapag ganyan ang umiiral na sistema?

Sa ngayon ay may proposal umano na ang mga Division chief lang ang bibigyan ng access.

Paano naman ang mga Terminal Heads ng airports and seaports?

‘Di ba sila dapat ay magkaroon din?

I hope Commissioner Morente and BI-Computer Section Chief, Bruce Alano will address this concern.


‘MADILIM’
SA BARANGAY
NI CHAIRMAN
RODY MORALES

GOOD pm po boss Jerry, hihingi lang po sana kami ng tulong upang matawag ang pansin ng kinauukulan dito sa aming BRGY sa Tondo. Napakadilim ho ng aming lugar dto sa Barangay 148 Zone 13 na pinamumunuan ni Chairman Rody Morales. ‘Yung street lights kc d2 ayaw aksyunan ng barangay upang lumiwanag ang aming pamumuhay samantala malaki naman ang nakalaang budget para sa barangay. Wala naman cla gnagawang project. Ang nangyayari kc pg ‘di kaya magtiis ng residente sa dilim kanya-kanyang gawaan e marami na ang insidente ng nakawan.

Maraming salamat po sir. Alam namin sa tulong po ninyo ay maaksyunan ang  problema rito sa aming lugar. +639068144 – – – –    


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *