Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Palace blogger pambansang palengkera!?

ANO nga ba ang pagkakaiba ng mga journalist (mamamahayag) sa Pa­lace bloggers?

Ang mga journalist ay nangangalap ng detalye sa pamamagitan o mula sa iba’t ibang resources sa isang pangyayari o sa isang ahensiya ng gobyerno para gawin itong balita.

Ang Palace bloggers, base sa mga nakaraang pangyayari ay gumagawa ng mga kakaibang eksena gamit ang ‘lisensiyang’ sila ay supporters ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para maibalita.

Klaro po ang pagkakaibang ‘yan ng isang journalist sa Palace bloggers.

Nagbabalita ang una habang ang ikalawa ay gustong maibalita.

Ang pinakahuling insidente na kumalat sa social media ay kinasasangkutan ng isang Sass Rogando Sasot nang komprontahin si BBC Southeast Asia correspondent Jonathan Head.

Nagulat pa nga si Mr. Head, dahil babatiin niya sana si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson pero bigla nga siyang hinarang at dinuro-suro ni Ms. Sasot.  

Mismong ang National Union of the Journalists of the Philippines (NUJP) ay naalarma sa ikinilos ni blogger Salot ‘este mali Sasot.

Kung titingnan nga naman, ito ay tahasang pag-atake ng isang indibiduwal na gumagamit ng ‘lisensiyang’ supporter ni Pangulong Digong sa isang lehitimong mamamahayag.

Ayon sa NUJP, “But the fact aside that all that Sasot succeeded in doing was betray her utter ignorance about how the media work, con­fronting Head over content that, as she most pro­bably knew, he had nothing to do with sets a dangerous precedent if her deplorable behavior is emulated by the wide following she claims.

Pinalulutang kasi ni Ms. Sasot, ang isyung, bakit isang small time na blogger ang isinalang sa interview ni Mr. Head at hindi ang gaya niyang blogger na mayroon umanong malawak na followers.

Huwaw!

Kaya lalong nagpapatunay na mapanganib ang ginawa ni Sasot, kung totoong malawak ang kanyang followers. Iisipin ng mga naniniwala sa kanya na tama ang ginagawa at sinasabi niya kaya malalagay sa panganib ang kaligtasan at buhay ni Mr. Head.

Sana, hindi lang ang pagiging supporter ni Pangulong Digong ang iniisip ni Ms. Sasot.

Isipin din niya na bilang supporter ni Tatay Digong ay dapat siyang umasta nang maayos. Sa sipat at tindig, mukha naman kayong may pinag-aralan, may manners at mukhang ‘matalino.’

Pero dahil sa ginawa ninyo Ms. Sasot, e nagmukha kayong palengkera. At ganyan ang nagiging praktis ngayon ng maraming Palace bloggers.

Aba kung talagang mahal at sinusuporta­han ninyo si Tatay Digong, palawakin po ninyo ang inyong hanay hindi ‘yung parang pinararami ninyo ay kaaway.

Ayos ba, Ms. Sasot?!

DDS and Palace bloggers please spread posi­tive vibes!


GOOD JOB
PNP-NCRPO
& MMDA

oscar albayalde NCRPO Danny Lim MMDA

GUSTO nating batiin at purihin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Me­tro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang papel sa maayos na pagdaraos ng Asean Summit nitong November 13-15, 2017.

Hindi gaya noong mga nakaraang panahon na maraming nai-stranded na commuters at natutulog na motorista sa mahaba, mabagal at minsan ay tumitigil na daloy ng mga sasakyan, ngayon ay hindi nangyari ito.

Maliban sa ilang insidente ng rally, agad din namang nasawata at ang pagiging pasaway ni Ms. Maribel Lopez.

Pero sa kabuuan, mas naging komportable sa marami ang pagdedeklara na walang pasok at pagsasara sa ilang major thoroughfare.

Kung ganyan nga naman ang sitwasyon, madaling makikita ng mga awtoridad kung mayroong mga puwersang manggugulo.

Congratulations NCRPO chief, Gen. Oscar Albayalde and MMDA Chair Danny Lim!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *