Monday , December 23 2024
MRT

Naputol na braso ng MRT passenger naikabit muli

NAIKABIT ng mga manggagamot ng Makati Medical Center ang kanang braso na naputol mula sa pasaherong babae makaraan maaksidente sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa Ayala Avenue Station, Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kahapon, kinompirma ito ng Makati City Police sa pamamagitan ng ama ng biktima na si Jose Fernando.

Ayon sa pulisya, nai-kabit ng mga doktor ng nabanggit na ospital ang kanang braso ng biktimang si Angeline Fernando, 24, isang Quality Assurance (QA) engineer, residente sa Tramo St., Pasay City.

Napag-alaman sa pulisya, nang dalhin ang biktima sa naturang ospital, ang kasalukuyang attending physician sa emergency room ay si Dr. Gabriel Gabriel.

Base sa report ng pulisya, habang umaandar ang index car train 6, makikitang tila nahilo hanggang sa nahulog si Fernando sa tapat ng coupler (pagitan ng dalawang bagon) sa northbound ng MRT 3 Ayala Station dakong 2:35 pm nitong Martes.

Bunsod nito, naputol ang kanang braso ni Fernando ngunit agad naikabit ng mga manggagamot ng MMC.

Sa ngayon ay nagpapagaling ang biktima habang nakaratay ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng Makati City Police hinggil sa insidente.

Nabatid sa kaanak ng biktima, nag-iisang anak si Fernando at siya lamang aniya ang inaasahan ng kanyang pamilya. (JAJA GARCIA)

MEDICAL INTERN
SUMAGIP SA BUHAY
NG MRT PASSENGER

ANG medical intern na si Charleanne Jandic ay nasa Ayala station ng MRT nitong Martes ng hapon nang mahulog ang isang babae sa riles habang paalis ang tren mula sa nasabing estasyon.

Ang bogie ng tren ay gumulong sa bahagi ng katawan ng biktimang si Angeline Fernando, nagresulta sa pagkaputol ng kanyang braso.

Mabilis na kumilos si Jandic, na patungo noon sa bahay ng kanyang tiyahin.

Batid ni Jandic, isang postgraduate medical intern sa Chinese General Hospital and Medical Center, na dapat agad niyang maampat ang pagdurugo ng biktima.

“Medyo mahirap nang konti kasi duguan siya, so nag-focus ako doon sa pinaka-concern, which is ang naputol na bahagi ng braso niya,” pahayag ni Jandic.

Agad niyang itinali ang cardigan at sinturon ng police officer sa stump, at sinabi sa station guards na tumawag ng ambulansiya habang sinusuri niya ang biktima sa iba pang mga pinsala.

Sinabi ni Jandic, nagpasalamat siya sa mga guwardiya na sumunod sa kanyang instructions at mistulang mayroon silang first aid training.

“Siguro po further first aid training [ang kailangan] to cover situations gaya ng kahapon,” aniya.

Naghintay si Jandic sa Makati Medical Center hanggang sa stable na si Fernando, saka siya umalis.

Sa mabilis na pag-iisip at pagkadalubhasa, at pagmamalasakit ni Jandic, nagkaroon ng positibong resulta ang insidente, matagumpay na naikabit ng mga doktor ang naputol na braso ni Fernando.

Minaliit ni Dr. Jandic ang naging bahagi niya sa tagumpay, sinabing tiyempo lamang na nasa estasyon din siya nang mangyari ang insidente.

“Ginawa ko lang po talaga ‘yung dapat gawin,” aniya.

“If it was another person with training on how to handle situations like yesterday [at the station], they would have done the same thing,” aniya.

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *