Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Magulang ni singer/actress, nag-excess baggage dahil sa mga tira-tirang pagkain

MALUKIS-LUKIS ang mga pasaherong nakasabay na bumiyahe ng mga magulang na ito ng isang sikat na singer-actress pabalik ng Pilipinas. Eto ang tsika ng isa sa kanila.

“Naloka naman kami sa parenthood ng idol pa manding naming singer-actress! Ang siste, excess baggage ang mga bitbit nila, natural, pinagbabayad sila ng extra sa airport. Pero dahil ayaw nilang mag-pay ng extra, napilitan silang magdiskarga ng mga laman sa bagahe nila. ‘Day, tanungin mo kung ano pala ang laman niyong mga maleta nila kaya pagkabigat-bigat ‘yon,” nagtutumiling kuwento ng aming kausap.

Laking gulat ng mga pasahero nang tumambad sa kanila ang mga laman na isa-isang inaalis ng showbiz parents na ‘yon mula sa kanilang maleta.

“’Yung fudra, kaya pala ang bigat-bigat ng dala niya, eh, mayroong martilyo, may lagare at kung anik-anik pang carpentry tools sa maleta niya! Juice ko, wala ba siyang mabibili niyon sa hardware sa Maynila?”

Pero hirit ng aming source, ”Maloka ka sa madir, naloka talaga kami roon sa laman ng bagahe niya…may bawas nang softdrinks in can, may mga slice ng pizza na nakabalot sa napkin, lahat yata ng tira-tirang foodang, eh, iniuwi niya dahil nanghihinayang siyang itapon!”

Da who ang singer-actress na may ganitong airport story ang fadir at madir? Itago na lang natin siya sa alyas na Gerona Suzara.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …