Sunday , December 22 2024

MMDA nagbabala ng heavy traffic sa Huwebes

NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista nang matinding pagbagal ng daloy ng mga sasakyan simula sa Huwebes sa pagbabalik ng trabaho sa gobyerno at sa pribadong sektor.

“Alam ninyo ‘yung assessment talaga natin since holiday naman since Wednesday, wala pang babalik ngayon until tomorrow. Siguro magsisibalikan itong mga kababayan natin sa Thursday,” pahayag ni MMDA spokesperson Celine Pialago kahapon.

“Ang i-expect nila, meron pa rin tayong ASEAN lane lalo na sa northbound dahil ‘yung ibang mga delegado ay siyempre babalik ng Clark International Airport so nag-iwan ho tayo ng one lane. At alam naman ho natin ang sitwasyon ng EDSA kapag merong isang lane tayong hindi pinagamit ay talagang contributory ‘yon, bibigat ‘yung daloy ng trapiko,” dagdag niya.

Sinabi ni Pialago, ang ASEAN lanes na itinalaga sa mga delegado at world leaders sa kahabaan ng EDSA ay mananatili hanggang Miyerkoles.

“We’ve been very serious in reminding the public to avoid EDSA as much as they can, avoid the Diokno Boulevard, and now po i-avoid po natin ‘yung area ng CCP Complex and Roxas Boulevard kasi base sa intelligence report, we’ve monitored huge demonstrators na maaaring pumasok sa Roxas Boulevard. So doon tayo sa safe side. ‘’Wag na ho tayo makipagsapalaran sa Roxas Boulevard,”

aniya.

“Sa traffic assessment natin, babalik ‘yung mga nagbakasyon probably Saturday so dahil po ang [November] 16, 17 kung maaalala ninyo ay wala pong pasok sa mga bata, kahit anong antas at sa kahit anong public at private so ang mangyayari po rito baka maulit ‘yung Saturday natin sa Saturday this week,” dagdag niya.

“Ang assessment lang no’ng Saturday last week, maraming lane na sarado pero this time ho kung babalik sila, ‘yung lanes natin bukas na. So that won’t be that much na sobrang hassle para po sa kanila,” aniya.

Muli niyang inulit ang panawagan sa mga motorista na huwag daraan sa ASEAN lanes dahil ito ay magreresulta sa reckless driving.

“Reckless driving dahil you put in danger the security of the delegates and the other motorists and of course disregarding traffic signs. So violation ‘yon and they have to pay the penalty,” aniya.

Magugunitang dinagsa ng batikos ang aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez dahil sa pagmamayabang na tinanggal niya ang divider cones na naghihiwalay sa ASEAN lanes upang makalusot sa

heavy traffic.

Sa post sa kanyang Facebook account nitong Linggo, humingi ng paumanhin si Lopez sa kanyang ginawa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *