Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, ‘di obligasyong ianunsiyo ang detalye ng kasal

ABOT-ABOT batikos kay Anne Curtis pagkatapos ng kanilang pagpapakasal ni Erwan Heussaff sa New Zealand.

Kesyo iniligaw ng aktres ang kanyang fans sa lugar at petsa ng kanyang wedding day. Hindi dapat ganoon dahil utang ni Anne sa kanyang mga tagasuporta kung nasaan man siya ngayon sa showbiz.

Para sa amin ay isang malaking ka-OA-n na ianunsiyo pa ni Anne ang mga detalye ng pag-iisandibdib nila ni Erwan. Bakit, may mga fan ba siya na willing gumastos para sundan siya sa New Zealand?

If at all, ang “utang” ni Anne sa mga ito ay ipaalam lang ang kanyang kasal, no need para sabihin ang kompletong detalye nito.

Isang personal na okasyon ang kasal, karapatan ng parehong groom at bride na planuhin ito ayon sa kanilang kagustuhan. In the same manner na karapatan din nina Erwan at Anne na imbitahin lang ang gusto nilang makibahagi sa espesyal na araw na ‘yon.

Walang iniwan ‘yon sa nalalapit na kasal nina Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan. Huwag nang ipagpilitan sa kanila na isama sa guest list si Kris Aquino. Eh, sa kung ayaw ni Ai Ai, may magagawa ba sila?

Kung tunay ngang mga nagmamahal na fans ‘yon ni Anne, the least that they can do ay ipanalanging maging matagumpay sana ang pagsasama nila ni Erwan, magkaroon ng magaganda’t malulusog na supling at maging matatag sa lahat ng pagsubok na karaniwang pinagdaraanan ng mga newlywed.

For once, ibigay ng fans ang araw na ‘yon kay Anne all to herself. Kasal ‘yon, mga darling…hindi karnabal!

PIOLO, SA PAGPO-PRODYUS
NA LANG MAG-CONCENTRATE

HINDI nangiming inamin ni Paulo Ballesteros at a recent presscon na gusto niyang makasama si Piolo Pascual sa isang film project. Kaagad ding nagpahayag ng pagpayag si Piolo.

Sa edad ni Piolo na 40 something, nag-cross over na siya sa pagpo-prodyus ng pelikula via his Spring Films. Kung tutuusin nga, with this new career development ay maaaring manaka-naka na lang siyang tumanggap ng lead roles sa movies.

Kung kami sa kanya, tama nang ma-flatter siya sa sinabi ni Paulo. Pero ang makasama ito (with Piolo as Paulo’s likely leading man kung beki ang kanyag role) ay mukhang hindi kaaya-ayang career move.

Needless to explain kung bakit hindi na kailangan pang gumanap ni Piolo bilang leading man ni Paulo. Intindido na ‘yon para sa nakararami.

Kung matatandaan, many years ago ay mayroon ng working title ang family-oriented teleserye sa ABS-CBN na isa si Piolo sa mga cast members. Pero napag-isip-isip ng pamunuan ng network na tiyak na “paglalaruan” lang ang titulo with insinuations tungkol sa “alam na.”

In the same breadth ay siguradong pepleytaymin lang ang film project na pagsasamahan nina Piolo at Paulo. Baka hindi lang ‘yun magdulot ng magandang kapalaran lalo na kay Piolo na napapanatiling maganda ang kanyang imahe.

Mas maganda siguro kung between acting in the movies and producing films ay mas ituon ni Piolo ang kanyang energies sa huli. Bagamat high-risk ang mamuhunan ng pelikula, malay naman natin kung magkasunod-sunod ang suwerte niya (after Kita Kita) pagdating sa ROI (return on investment).

Just a piece of unsolicited advice…charot!

HOT, AW!
Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …