PINURI ng Australia ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbuo ng “binding code of conduct” sa isyu ng agawan sa teritoryo sa South China Sea (SCS).
Sa bilateral meeting kamakalawa ng gabi nina Pangulong Duterte at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, binati ng Aussie PM ang tagumpay ng administrasyon sa paggapi sa ISIS-inspired Maute terrorist group sa Marawi City.
Tinalakay rin nila ang sea piracy sa Sulu Sea at mas maigting na security protection at regional trade.
Napaulat na nakatakdang sanayin ng Australian Defense Force ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa urban warfare at counter-terrorism. (ROSE NOVENARIO)