KASABAY ng paglunsad ng kanyang bagong album, sinipat ng rock legend na si Neil Young para pasaringan si US President Donald Trump sa pagdeklara nitong “already great’ ang America.
Nakatakdang i-release ng 71-anyos na rock singer sa nalalapit na Disyembre 1 ang kanyang ika-39 na album na may titulong The Visitor, sa tulong ng hard-charging back-up band na Promise of the Real, na hinahambing sa dating banda ni Young na Crazy Horse sa kanyang mga klasikang obra.
Una rito, nilabas ni Young ang unang awit mula sa album na may titulong Already Great, na sinasabing pointed rejoinder sa campaign slogan ni Trump na “Make America Great Again.”
Sa saliw ng rugged rock guitar at piano, sinimulan ni Young starts ang awit sa pagbanggit ng “I’m Canadian, by the way” sabay pahiwatig ng kanyang pagpapahalaga sa ‘kalayaang’ natagpuan sa pammuhay niya sa Estados Unidos.
Bumabagal din ang awitin sa isang harmonic chorus na nagpapagunita ng estilo ni Pink Floyd, habang inaawit ang “You’re already great / You’re the promised land / You’re the helping hand.”
Nagwawakas ang awit sa halimbawa ng pagsambit ng “Whose streets? Our streets,” ang slogan na madalas naririnig sa mga US protestna pangkaraniwang inuugnay sa kilusang Black Lives Matter laban sa pag-aabuso ng mga pulis.
Hindi naiiba si Young sa politika—binatikos ng kanyang Rockin’ in the Free World noong 1989 ang mga polisiya ni dating Pangulong George H. W. Bush. Itinuring itong anthem sa Eastern Europe sa pagbagsak ng komunismo.
Pinatugtog ni Trump ang Rockin’ in the Free World” sa insurgent right-wing campaign para sa White House, na ikinagalit ni Young sa pagyakap ng real estate mogul sa musika ng hanay ng ibang mga left-leaning artist.