Saturday , December 21 2024

Tensiyon sumiklab sa rally vs Trump

NAGKAGIRIAN ang mga pulis at mga aktibistang nagkilos-protesta sa Ermita, Maynila, nitong Linggo laban sa pagdalo ni US President Trump sa pulong ng mga world leader sa bansa.

Ayon sa ulat, nagpumilit ang mga raliyista na makalapit sa US Embassy sa UN Avenue, dahilan para magkatulakan at sigawan sila ng mga pulis.

NAGKAGITGITAN ang mga raliyista na kinabibilangan ng mga katutubong Lumad laban sa mga pulis para igiit ang kanilang kilos protesta patungo sa US Embassy upang tutulan ang pagbisita ni President Donald Trump sa gaganaping Asean Summit kasabay ng kanilang panawagan na itigil na ang batas militar sa Marawi at palayasin ang tropa ng kano sa bansa saka binato ng pintura at sinilaban ang larawan ng lider ng Estdaos Unidos. (BONG SON)

Inagaw ng ilang militante ang mga kalasag at helmet ng mga awtoridad.

Bahagyang humapa ang tensiyon nang gamitan ng water canon ng mga bombero ang mga raliyista.
Ilang militante ang nasaktan at nasugatan sa pakikipaggirian sa mga pulis sa anti-Trump rally sa Maynila.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *