NIYANIG ng magnitude 4.4 earthquake ang lalawigan ng Southern Leyte, nitong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naganap ang lindol dakong 2:33 pm at natunton ang epicenter 14 kilometers southwest sa bayan ng Pintuyan, ayon sa Phivolcs.
May lalim na 19 kilometers, naramdaman ang lindol sa
Intensity 3 sa kalapit na Surigao City.
Ang katulad na intensity ay maaaring magpagalaw sa nakasabit na mga bagay.
Walang matinding pinsalang inaasahan sa nasabing pagyanig, at hindi umano magdudulot ng aftershocks, ayon sa Phivolcs.