Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruru, sinigawan at ipinahiya ni Gabbi

HOW true na gustong mag-walk out ni Ruru Madrid dahil ipinahiya umano siya ni  sa maraming tao?

Nagkaroon ng video shoot para sa Paranaque na naroon ang mga special child. Nagpaalam naman si Ruru na kung puwede ay male-late siya dahil manggagaling siya sa puyatang taping ng serye nila. Umokey naman ang staff.

Pagdating ni Ruru ay buong ningning na sinigawan siya ni Gabbi sa maraming tao na pinaghintay siya ng isang oras.

Halos matunaw sa hiya si Ruru dahil marami ang nakarinig. Ibinuhos na lang ni Ruru ang atensiyon sa pagyakap sa kanya ng mga special child na natuwa sa kanya at nag-iyakan.

Bakit hindi na lang nag-text si Gabbi at sinabi ang kanyang reklamo? Bakit hindi na lang niya ito kinausap at sinita na silang dalawa lang?
Mukhang hindi alam ni Gabbi na nagpaalam naman si Ruru na male-late.

Nakalimutan din siguro ni Gabbi na hindi rin nagrereklamo si Ruru rati at wala siyang naririnig kahit tatlong oras silang naghihintay dahil hindi ito makaiyak sa eksena niya?

Anyway, bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Gabbi at ni Ruru sa insidente.

ARIEL, NAKATATAWID
SA 2 GIANT NETWORKS

NASA status ng career ni Ariel Rivera ‘yung tumatawid na lang sa dalawang giant networks, ang ABS-CBN 2 atGMA 7. Pagkatapos niyang gawin ang Hahamakin Ang Lahat at Mulawin vs. Ravena sa Kapuso Network balikKapamilya siya sa bagong seryeng Hanggang Saan na tinatampukan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

“Kailangan ko ng pera, eh,” pagbibiro niya.
“This is home for me. I started dito sa ABS-CBN. I was built up here. I learned the ways here. I’ve always thought this to be my home. Mayroon lang tayo minsang vacation home, napupunta ako sa kabila, but this has always been my home,” deklara pa niya sa media announcement ng bagong serye ng unit ni Ms. Ginny M. Ocampo.

Sinabi rin ni Ariel na binubusisi rin niya ang tinatanggap na project at kung ano ang kanyang role. Gusto rin niya kasi na may challenge ang karakter na gagampanan niya.

Kasama rin sa cast ng Hanggang Saan sina Teresa Loyzaga, Sue Ramirez, Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, pati na rin sina Nikko Natividad, Rommel Padilla, Nanding Josef, Anna Luna, Mercedes Cabral, Rubi Rubi, Viveika Ravanes, Sharmaine Suarez, Ces Quesada, Arnold Reyes, Maila Gumila, at Junjun Quintana. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian.

TALBOG
Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …