Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Propesiya sa Administrasyong Duterte

I am not afraid of anyone even after my 127 day incarceration.
— Zambia United Party for National Development president Hakainde Hichilema

PASAKALYE:
Handang-handa na ang ipapatupad na mga hakbang laban sa physical at cyber threats sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit ngayong Nobyembre, pagtitiyak ni Interior and Local Government officer-in-charge Catalino Cuy, na chairman din ng ASEAN Committee on Security, Peace and Order, Emergency Preparedness and Response.
Ayon kay Cuy, naplantsa na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang stop-and-go scheme na paiiralin sa North Luzon Expressway (NLEX) tuwing daraan ang convoy ng ASEAN delegates papunta at pabalik mula sa Clark International Airport sa Pampanga.
Samantala, nanawagan sa publiko si ASEAN 2017 National Organizing Council head Marciano Paynor na huwag nang subukang harangan o sabayan ang ASEAN convoy upang hindi makaabala.
*****
Sa tumitinding paniniwalang sumasalamin ang pelikulang Dyos-Dyosan: Huwag Kang Papatay sa kasalukuyang takbo ng administrasyong Duterte, pinunto ng sumulat at nagdirek ng sinasabing magna opus na hindi sinadyang maging kahawig ito sa pamamalakad at mga polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa writer-director na si Cesar Evangelista Buendia, ginawa ang pelikula bago pa man ang huling halalan kaya wala silang kaalaman sa magiging desisyon ng dating alkalde ng Davao City ukol sa pagharap sa problema ng kriminalidad at gayondin sa paglaganap ng karahasan, kabilang na ang binansagang extrajudicial killings o EJK.

Ipinaliwanag ni Buendia na naging layunin nila sa paggawa ng Dyos-Dyosan ang maihatid ang mensahe sa mga manonood nito ang halaga ng buhay at importansiya sa pagbibigay respeto sa mga karapatan ng bawat indibiduwal.

Patanong na tinukoy: “What do you benefit if you gain the whole world but lose your own soul?” Tinatalakay din sa pelikula ni Buendia na lahat ng karamdaman ng lipunan sa Filipinas ay maaaring nag-uugat sa iisang problema—ang kakulangan ng religiosity.
Punto ng manunulat at producer: “For example, we argue that despite the good intentions of the People Power Revolution, nothing actually changed because we didn’t believe in God enough. It puts aside the fact that the Church played a major role in that revolution, and that there was a lot of prayer involved. The point is, everything evil in this country is caused by our belief in ourselves over God.”
Nang tanungin ukol sa maaaring maging negatibong reaksiyon sa pelikula ng mga tagasuporta ng punong ehekutibo, tumugon ang direktor na naniniwala siyang Diyos lamang ang may hawak ng buhay ng lahat ng tao.
Pagtatapos niya: “I am not afraid of death. If God is with me, who can be against me and triumph.”

* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *