Tuesday , December 24 2024

May sumalisi ng ‘mansanas’ sa BI-Intel ops sa Subic!?

ANO ba itong kumakalat na balita sa BI main office na naging kaduda-duda raw ang isang BI-Intelligence operations sa Subic, Zambales nakaraang buwan?

Mayroon umanong mga hinuling tsekwa sa isang hindi napangalanang online gaming?

Imbes ‘daw’ sa opisina idiretso ang mga hinuli sa illegal online gaming ay sa isang Buma Hotel umano tumuloy at doon inareglo ang ilan sa mga hinuling tsekwa?!

Wattafak?!

Ligwak ganern?!

Alam na kaya ni Comm. Jaime Morente ang isyung ito?

Ayon sa mga kuwento-kuwento ng ilang nag-abogado ay agad daw pinakawalan ang anim sa mga pinugong Intsik matapos magbayad ng 250K ang bawat isa?!

Petmalu!!!

Easy money ha?!

Maliwanag na P1.5M ang natangay sa mga umareglo nang walang kahirap-hirap.

Talagang ‘di pa rin naiiwasan ang ‘hulidap’ sa panahon ngayon.

Ito pa rin ang easiest way kung gusto mo maging instant milyonaryo sa BI?!

Kaya nga ‘di nakapagtataka kung bakit kapag may bagong empleyado sa Bureau, ang gusto agad na maging destinasyon ay sa Intelligence division kasi madali ‘raw’ ang intelihensiya?!

Tama ba, Charlie boy?

Kung doon talaga dinala sa Buma Hotel ang mga hinuli sa illegal online gaming at hindi sa Subic BI-field office, bakit hindi pumalag ang Alien Control Officer (ACO) na naka-assign noong mga panahong iyon?!

‘Di kaya natameme nang matapos maambunan sa areglohang naganap?

Balita natin ay tila nakaligtas na sa issue ang ACO noong mga panahong iyon at kasalukuyang pa-relax-relax sa kanyang bagong opisina riyan sa PEZA?

Hayysss!

Napaganda pa pala?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *