Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas, tusta sa Alab

TINUSTA ng Alab Pilipinas ang pambansang koponan na Gilas Pilipinas sa ginanap na tune-up match, 81-76 sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City kamakalawa.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng parehong koponan sa nalalapit na torneo na kanilang sasalihan.

Ang Alab Pilipinas ay pambato ng bansa sa Asean Basketball League.

At kahit hindi naglaro ang dating PBA import na si Ivan Johnson at ABL Local Most Valuable Player na si Rayray Parks Jr., ‘di pa rin pinaporma ng Alab ang Gilas.

Nanguna para sa Alab si Nigerian-American import Reggie Okusa habang nag-ambag ng tig-12 puntos sina Filipino-American Lawrence Domingo at dating point guard ng National University na si Pao Javelona.

Samantala, tanging sina June Mar Fajardo ng San Miguel at Jayson Castro ng TNT ang nakapagpasiklab para sa Gilas Pilipinas na binubuo ng pinakamamagagaling na manlalaro sa bansa.

Hindi naglaro ang dalawa sa inaabangang manlalaro ng Gilas na si Japeth Aguilar ng Ginebra at Terrence Romeo ng Globalport.

Nagdagdag ng 9 at 8 puntos sina Raymond Almazan ng Rain or Shine at Calvin Abueva ng Alaska, ayon sa pagkakasunod ngunit kapos pa rin para sa pambansang koponan.

Sasalang ang Alab sa 2017-2018 season ng ABL sa 19 Nobyembre kontra sa nagdedepensang kampeon na Hong Kong Eastern Long Lions na pangungunahan ng dating Gilas at ngayo’y numero unong pick ng SMB na si Christian Stanhardinger.

Nagtapos sa ikatlong puwesto ang Alab noong nakaraang season.

Sa kabilang banda, ang Gilas ay naghahanda rin para sa nalalapit na FIBA Word Cup Asian Qualifiers. Una nilang makakaharap ang Japan sa homecourt nito sa Tokyo sa darating na 24 Nobyembre.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …