Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Metropolitan Association of Race Horse Owners MARHO

Congrats sa MARHO

NAGING masaya at kapana-panabik ang karamihan sa naganap na pakarera ng MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) para sa taong ito sa karerahan ng Santa Ana Park, na kahit pa may kanipisan ang ilan ay nakapanood naman ang Bayang Karerista ng mga kalidad na mananakbo sa kasalukuyan. Kaya sa pagkakataong ito ay nais kong batiin ang MARHO sa kanilang matagumpay na pakarera, siyempre congrats din sa lahat ng mga sumuporta para sa dalawang araw na napaka-gagandang takbuhan.
Dumako na tayo sa pakarera natin ngayong gabi sa karerahan naman ng Metro Turf at siyempre kapag araw ng Lunes ay mayroon lamang na eksaktong pitong takbuhan na pasok sa larong Winner Take All (WTA) event. Narito’t umpisahan na natin ang aking paghihimay na inahanda sa ating lahat.
Race-1 : Magandang tagpo kaagad ang pambungad na takbuhan dahil sa largahan pa lang ay tiyak na hatawan na ang mga banderistang nakasali, kaya rebisahin ding mabuti upang makasali sa unang isakoran sa WTA. Choices ko ay sina (5) Warrior Flame, (13) Air Supply at (8) Pursuitofhappiness.
Race-2 : Sa kasunod na laban aypabor ang distansiya kina (3) Kay Tagalog at (5) Wow Jazzie, iyon nga lang ay dapat na maagapan nilang habilin ang nasa unahan ng si (9) King Polonius.
Race-3 : Bahagyang lamang ang kalahok na si (8) Big Scoop na ikinambiyo pa sa mas mabuting hinete, kung may sisilat man ay walang iba kundi ang diremateng si (5) Congrats Sister.
Race-4 : Marami ang maaaring maganap sa ikaapat na takbuhan, kaya isama lang kung may iba pa kayong kursunada bukod sa aking mga kukuhanin na sina (2) Juliana’s Gold, (1) Lirpa’s Choice, kasama ang couple runner na sina (3) Cannon Ball at (3a) Warlock. Sa mga dehadista ay isama si (6) Gil’s Angel.
Race-5 : Puwera abirya at ano mang kalokohan ay kayang makapitas pa ng isang panalo ang galing sa magandang panalo na si (6) Moon Laser, na mas mainam manakbo sa malamig na panahon at kung basa pa ang pista. bilang proteksiyon lang ay isasama ko sina (5) Expensive at (1) Always On Time.
Race-6 : Sa penultimate race ayunahan na lamang sa magandang puwestuhan at pagparemate sina (4) Graf, (5) Gutsy Girl at (7a) Kaleidoscope kasama ang kakuwadrang si (7) Charger.
Race-7 : Sa pinakahuling karera ay angat ng kaunti sina (3) TallDarkNHandsome at (6) My Priviledge, puwede ring malusot base sa distansiyang pagdarausan sina (2) Big Bad John at ang longshot na si (8) Laughing Tiger.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …