NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na patatagin at pagbuklurin ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang ekonomiya na ma-kikipagsabayan sa globa-lisasyon gaya ng European Union.
“I will bring this matter forcefully in the ASEAN Summit. We have to have integration, cohesiveness, and we must act as one. Europe can do it with its union and America is starting to revive its industries. Why can’t we, the ASEAN, do it?” sa kanyang talum-pati sa APEC CEO Summit sa Da Nang, Vietnam kahapon nang tanungin hinggil sa paglakas ng “anti-globalization sentiments in developed countries.”
Anang Pangulo, na-pinsala ng globalisasyon ang mahihirap na bansa ngunit maging ang US na makapangyarihan ay naging unang biktima nito nang buksan ng China ang pinto sa mga dayuhang kapitalista.
“America was the first victim of globalization. And that is why Trump is trying to lure them back and set America first,” aniya.
Nilayasan aniya ng malalaking kompanya ang Amerika kaya’t umunlad nang husto ang China dahil lumipat sa kanila ang malalaking kapitalista dahil mas mura ang pagnenegosyo, lakas paggawa at mababang buwis.
“It came to pass that most of the big business were doing really their actual business in China; thereby, leaving behind several manufacturing companies and all sorts of goods and services really went to Shanghai and started to develop China, which is where it finds itself now,” anang Pangulo.
Bilang chairman ng ASEAN, igigiit ng Pangulo na kailangan kumilos bilang isa ang mga bansang kasapi upang hindi lang pagmulan ng raw materials ang Timog Silangang Asya kundi pagawaan mismo ng mga produktong iluluwas sa iba’t ibang parte ng mundo.
(ROSE NOVENARIO)