BAHAGYANG lumakas ang bagyong Salome habang kumikilos patu-ngong southern Luzon, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Huwebes.
Dakong 11:00 am kahapon, sinabi ng PAGASA, si Salome ay namataan sa 50 km south southwest ng Juban, Sorsogon. Ito ay may maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kph.
Itinaas ang signal no. 1 sa mga sumusunod na erya: Metro Manila, Rizal, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao at Burias Islands, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Leyte kabilang ang Biliran.
Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa mababang mga lugar, gayondin ang mga naka-tira sa eastern section ng Central Luzon, sa posibleng flashfloods at landslide, dahil sa inaasahang idudulot ng bag-yong Salome na malakas na buhos ng ulan.
“Tatahakin nito ang Bicol papuntang South Luzon at inaasahang malakas ang ulan na dala-dala nitong si tropical depression Salome,” paha-yag ni PAGASA administrator Vicente Malano.