Tuesday , December 24 2024
Mocha Uson MPC Malacañang Press Corps PCOO

Ill-advised ba si Asec. Mocha?

HINDI dapat ginagamit ang posisyon bilang defense mechanism.

Ito ang gusto nating ipaalala kay Assistant Secretary Mocha Uson ng Presidential Communications Operations Office (PCCO).

Ang pagpapaalalang ito ay kaugnay ng ipinakikita niyang kasutilan sa hanay ng mga mamamahayag lalo sa mga nakatalaga sa Malacañang Palace.

Hindi natin maintindihan kung bakit tila gusto ni Asec. Mocha na sakluban ng kanyang kapangyarihan ang Malacañang Press Corps (MPC) sa pamamagitan ng pakikialam sa accreditation ng mga member ng nasabing media organization?!

Sonabagan!

Ill-advised ba si Asec. Mocha? O walang nagpapayo sa kanya na hindi siya dapat nakikipagbanggaan sa media?!

Sino kaya ang nag-a-advised kay Asec. Mocha na ‘apak-apakan’ ang mga mamamahayag sa Palasyo?

Baka nakalilimot si Asec. Mocha na ‘yang mga mamamahayag na nagko-cover sa Palasyo ay matagal nang naririyan?!

Mocha Uson MPC Malacañang Press Corps PCOO

Nagtagal sila sa Palasyo dahil ginagampanan nila nang tama ang kanilang tungkulin at responsibilidad sa propesyon; at trabaho at obligasyon sa media entities na kanilang pinagtatrabahuan.

Dapat ay malinaw ‘yan kay Asec. Mocha.

Mayroon mang opisina ang MPC sa loob ng Palasyo, hindi ito nangangahulugan na beholden sila sa administrasyon o sa mga taong itinatalaga ng PCOO para makipag-ugnayan sa kanila.

Sana ay maintindihan ni Mocha na ang pagtatanggol niya sa DDS Bloggers ay isang political accommodation o patronage.

Pero kung nakasasagasa na sila sa interes ng mainstream media, dapat din naman silang magdahan-dahan. Ang DDS Bloggers ay may political biases o pagkiling.

Ang mga mamamahayag ay accountable sa kanilang konsensiya, sa kanilang opisina at sa kanilang karera o propesyon kung kanila itong dudungisan.

Hindi ba nare-realize ni Mocha na sa ginagawa niya’y umaasta siyang nambu-bully ng nananahimik na ‘leon?’
Asec. Mocha, please behave. You’re acting like a spoiled brat. Unsolicited advice lang po, people in the media can be more likely to be your best friends if you try to befriend them.

Huwag mong gisingin ang natutulog na leon sa kanilang mga dibdib.

‘Yun lang po.

ABUSADONG
KOREANO SA AKLAN
PASIKATIN!

SINO ba ang isang alyas “Jeffrey” na matunog na coddler umano ng mga illegal na Koreano sa isla ng Boracay?

Isa rin daw Koreano ang tinutukoy na “Jeffrey” na tumatayong Presidente ng isang Korean Association doon.

Balitang gustong umepal at pakialaman ang mga trabaho ng Immigration diyan sa naturang lugar.

Minsan pa nga raw ay nagsama ng 50 Koreano ang “Jeffrey” na ‘yan at nag-request na kuhaan ng video at ipa-VIP treatment ang mga bisita niya na mariing tinanggihan ng Terminal Head doon, dahil maging pagtatatak ng mga IO sa counter ay ibi-video umano niya.

For tourism purposes ek-ek daw?!

Ulol!!! Lokohin mo lelong mo!

Gagamitin ni Jeffrey ang video na ‘yan para i-promote ang kompanya nila sa mga Koreano na gustong pumunta sa Boracay.

Ayon sa Immigration Terminal Head ng Kalibo International Airport(KIA), hindi niya ito puwedeng payagan dahil talaga naman daw bawal ang gumamit ng any camera and video equipment kapag ikaw ay nakapila sa immigration area.

Kahit naman sa ibang bansa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng video at selfie sa Immigration area.

Bukod pa sa negatibong reaksiyon ng ibang foreigners due to security purposes.

Nagpupuputok daw ang tumbong ng ugok kapag nalalaman na may ini-exclude sa airport ang mga Immigration Officer doon at laging sinasabi na magko-complain siya sa local government ng Aklan!

Huwaw!

Angas pala ng o-gag?!

At kailan pa naging bawal ang mag-exclude sa airport kung talaga namang excludable ang isang foreigner?

Nagtatrabaho nang maayos ang mga tao tapos pakikialaman niya?

Ayos ka bata?!

Opps! Hindi na pala bata, matanda na ‘yang kamoteng ‘yan!

Tumatandang paurong!

Lumalabas na nananakot ang ‘ungas’ dahil nasisira nga naman siya sa mga ‘patong’ niya!

Balita raw na pati ang Immigration Alien Control Officer doon ay hina-harrass niya para lamang pagbigyan siya?!

King enuh niya!

Pinoy pa ang tatakutin niya?!

Sa mismong bansa natin ‘yan ha?!

BI Commissioner Bong Morente, baka puwede natin i-background check ang sira-ulong Koreano at i-revoke kung anomang visa ang hawak niya!

PULIS NUWEBE
SA MAYNILA
‘NA-MARTILYO’?!

‘YAN ang puna ng karamihang negosyante sa Harrison Plaza dahil sa tila masyadong busy at cannot be reached ang himpilan ng Manila Police District Station 9 sa Malate kaya’t kaliwa’t kanan ang pamamayagpag ng mga ‘osdo’ at ‘kriminal’ sa naturang lugar!

Marami rin ang nagtataka kung paano nga ba nalusutan ng isang grupo ng holdaper na nanloob at tumangay sa mahahalagang kagamitan at alahas sa isang gold buyer store sa Harrison Plaza gayong katabi lang nito mismo ang Presinto Nuwebe?!

Wattafak!?

Ang masaklap pa e kahit katabi na nga ang Presinto Nuwebe ng Harrison Plaza ay may mga malapit pang PCP sa area gaya ng Arellano PCP at Roxas Blvd. PCP na matatagpuan sa kanto ng BSP bago tumawid sa CCP at isa pang PCP ng MPD PS9 sa kahabaan ng Quirino sa likod na bahagi ng Manila Zoo?!

Anyare!?

Bakit nalusutan o pinalusutan!?

Mukhang totoo ang usap-usapan ngayon ng delihensiya boys ng MPD na kaya raw nagkalat ang mga osdo sa AOR ni MPD PS9 chief Supt. Jun Obong ay madalas lang nagpapalamig at naghihintay ng parating ‘este dumarating na bisita sa kanyang opisina?

By the way Kernel Obong, totoo bang namomroblema ang mga tauhan mo kung paano huhukay at palalakihin pa ang dating P40K na ‘weekly’ pangkabuhayan para gawing P55-P60k?

Hilong talilong na nga raw sila, sir?!

Akala ko ba ayaw nina MPD DG Joel Coronel at CPNP DG Bato Dela Rosa ng mga natutulog sa pansitan at nganga sa trabaho!?

Galaw-galaw Supt. Eufronio Obong sir!

Ang daming masisipag na kernel ang naghihintay lang sa MPD HQ ng assignment!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *