BIDANG-BIDA sa mga kababayan natin ang paghahandog ni Willie Revillame ng dalawang episodes ng programa niyang Wowowin kamakailan.
Ang tribute ay bilang pagkilala sa kagitingang ipinamalas ng ating mga sundalo na sumabak sa giyera sa Marawi City na hinati sa dalawang bahagi, nitong Huwebes at Biyernes.
Much has been said and written about it kaya bahagya kaming lilihis ng paksa connecting the two-part tribute to Kris Aquino.
Maitatanong n’yo: ano naman ang kaugnayan ni Kris sa dalawang magkasunod na episode ng Wowowin which paid tribute to the bravery of our soldiers?
Matatandaang si Willie ang ginamit na tulay ni Kris para magsilbing point of entry ang Wowowin sa kanyang muling pagho-host.
Nagsimula ang meeting nila weeks ago sa Edsa Shangri-La na in full force na um-attend ang buong staff ni Willie with Kris na sinamahan ng kanyang manager na si Arnold Vegafria.
Productive naman ang kinalabasan ng pulong na ‘yon, only that Willie had to find the right time para himasin ang GMA top management sa gagawin niyang pagtulong kay Kris via his daily program.
Ilang araw ang nagdaan, just when Kris thought na kasado na ang lahat para sa gaganaping grand welcome sa kanya bilang pansamantalang co-host ni Willie ay biglang nakatanggap ng direktiba ang huli. Kanselado ang guesting ni Kris noon mismong araw ng taping.
Tuloy, we couldn’t help nut connect the soldiers deployed in Marawi sa dapat sana’y episode na iwe-welcome dapat ni Willie si Kris.
Siyempre, espesyal ang inihanda nilang pambulaga ni Kris, at wala nang mas espesyal pa sa tribute na ‘yon para sa mga sundalo.
Pero agad din naming napagtanto na kung ‘yun nga ang episode where Kris was supposed to guest ay mabuti na ring hindi ‘yon natuloy.
Hindi tiyak maiaalis isipin ng mga manonood na ikunok ang mga sundalong lumaban sa Marawi sa binansagang SAF 44 na nagbuwis ng kanilang buhay sa Mamasapano.
Lest we forget, ang infamous na pangyayaring ‘yon ang isinisisi sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino. For sure, hahanapan ng koneksiyon ang pagge-guest ni Kris along with the soldiers.
Sa unfortunate turn of events na nangyayari sa career ni Kris, umaasa pa rin ang inyong lingkod na muli siyang makababalik sa trabaho which she loves most and does best.
Sabi nga, “Hope springs eternal.” Nasa fourth and last quarter man tayo ng kasalukuyang taon, maaari pang humabol si Kris para magbunga ng maganda ang pagtatapos ng 2017 sa kanya.
NILULUTONG TV SHOW
NINA WILLIE AT TETAY,
TULOY NA TULOY
MALAKAS ang kutob ni Tita Cristy Fermin (by virtue ng pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Willie Revillame) na tuloy ang nilulutong TV show na pagsasamahan nina Willie at Kris Aquino.
“Maaaring hindi sa ‘Wowowin’, pero tiyak ako na sa isang separate program ng GMA sila mapapanood na magkasama,” sey ni Tita Cristy.
Sinusugan namin ang gut feel niyang ‘yon. Masyado kasing “heavyweight” si Kris kung isasalang nga sa Wowowin pero bilang segment host lang. ‘Ika nga, she deserves more than hosting a segment what with her stature.
Curious, tinanong namin si Tita Cristy kung ano ang posibleng format ng magiging show nina Kris at Willie. Game show din kaya, eh, isa nang game show ang Wowowin?
“Puwedeng halo-halo, may cooking segment, may celebrity guest na iinterbyuhin si Kris. Isa lang ang tiyak, mayroon silang nilulutong dalawa na ikagugulat na lang natin,” nakaiintrigang sey pa ng kolumnista-radio anchor.
Sa tingin namin, anuman ang magiging format ng posibleng show na pagsasamahan nila, still it’s not Willie who calls the shots kundi ang pamunuan pa rin ng estasyon.
Gaano man kasi kaganda o ka-promising ang concept, idagdag pa ang suporta ng mga advertiser, kung hindi ‘yun bibigyan ng go-signal ng GMA top management ay balewala rin.
Nagawa na ni Willie ang kanyang parte, on GMA rests kung maipalalabas ‘yon barring all obstacles.
Sa ngayon, isa munang malaking SANA ang maaaring isambit ng publikong nananabik sa pagbabalik ni Kris sa TV.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III