Saturday , November 16 2024

MPC umalma sa pakikialam ni Mocha

UMALMA ang Malacañang Press Corps (MPC) sa hirit ni Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson na tanggalin bilang miyembro ng MPC ang isang online news site.

“The MPC deplores any attempt to curtail press freedom and will continue to ensure a strong free press, keep public informed and the government in check,” anang kalatas ng MPC.

Sinabi sa kalatas na ang MPC ay isang malayang pangkat  na binubuo ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang news organizations upang regular na mag-cover sa Pangulo at mga pagtitipon sa Palasyo.

Ginagabayan, anila, ang MPC ng by-laws alinsunod sa probisyon sa Saligang Batas hinggil sa press freedom at hindi kontrolado at hindi nagpapadikta sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Sa kanyang liham kay Communications Secretary Martin Andanar, hiniling ni Uson na “i-reclassify” ang Rappler online news site bilang “social media” na nasa hurisdiksyon ng kanyang tanggapan.

Isa sa tungkulin ng PCOO na kinabibilangan ni Uson ay “coordinate and cultivate relations with private media” na tila hindi nangyayari dahil paborito niyang batikusin ang mainstream media lalo ang Rappler, Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN sa kanyang blogspot dahil sa pagiging kritikal sa administrasyong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *