Tuesday , December 24 2024
gun shot

Lady cop pinatay ng ex-BF (Tumanggi sa kasal)

INARESTO ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang babaeng pulis sa Cebu, nitong Martes.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Felix Taytayan, 32, ng Bantayan Island, dating kasintahan ng biktimang pulis na si PO1 Mae Sasing.

Itinuro ng tatlong saksi si Taytayin na huling kausap ng biktimang si Sasing na binaril habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Basak sa Mandaue City, noong gabi ng nakaraang linggo.

Ayon kay Senior Supt. Roberto Alanas, Director ng Mandaue City Police, malakas ang kaso nila laban sa suspek.

“They positively pinpointed that the same person na nakita nila roon sa crime scene is the same person noong nahuli at dinala namin na ipinakita in the actual,” anang opisyal.

Itinuturing na “crime of passion” ang krimen dahil magkaklase umano noon sina Sasing at Taytayan sa kursong Criminology at nagkaroon ng relasyon.

Sinasabing gusto ni Taytayan na pakasalan si Sasing ngunit tumanggi ang biktima.

Hindi nagbigay ng pahayag si Taytayan ngunit itinanggi ang paratang laban sa kaniya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *