Saturday , November 23 2024

‘Bloggers’ sa Palasyo demanding?!

IBANG klase naman talaga ang bloggers sa Palasyo.

Hindi man lang sila nag-o-observe ng kortesiya. Oo nga’t binigyan sila ng go signal ng Palasyo na mai-cover ang Pangulo pero hindi iyon katumbas ng karapatan at kapangyarihan ng mainstream media.

Hindi ba naiisip ng Bloggers, nang papasukin sila sa Palasyo, ay mayroon nang umiiral na press corps doon?

Ngayon komo madali silang makalapit sa Pangulo e parang gusto pa nilang sagasaan ang karapatan ng mga tunay na mamamahayag.

Ang mabigat pa riyan, parang daig pa nila nag Pangulo sa pakikialam sa media outlets — print, broadcast, at lately sa social media.

Aba Bloggers, ingat-ingat po. Maging matalino sana kayo sa pagtupad ng inyong mga tungkulin nang sa gayon ay hindi kayo napupulaan.

‘Di ba Usec. Mocha Uson?!

Bigas taguan ng shabu
ng anak ni Yu Yuk Lai

GOOD JOB AND
KUDOS TO PDEA!

 PDEA aquino Lasala Yu Yuk Lai Diana Yu Uy

HINDI lang bihasa kundi notoryus sa paggawa ng krimen ang mag-inang Yu Yuk Lai at Diana Yu Uy.

Mantakin ninyong hindi lang pala illegal drugs supplier si Yu Yuk Lai, kundi parang pilantropong nagbabayad ng P1-M monthly electric bill ng Correctional Institute for Women sa Mandaluyong city.

Mahusay magsuhol!

Habang ang kanyang anak naman ay parang napakabait na negosyante na nagdadala ng sako-sakong bigas sa Correctional pero shabu pala ang laman?!

Aba, baka ‘bigasang shabu’ ang diskarte ngayon ng mga drug lord?!

Habang naghahain ng arrest warrant sa tungki ng Malacañang ang PDEA na pinamumunuan ng mga tao nina Director Aaron Aquino at Deputy Director Ruel Lasala, mayroon na rin palang nagsasagawa ng operations sa Correctional.

Kumbaga, nagsalubong ang pag-aresto sa anak ni Yu Yuk Lai na si Diana habang mahigpit na nirekisa ang Correctional.

Kudos, PDEA chief DG Aaron Aquino and Deputy Director Lasala!

Iba talaga kayong magtrabaho!

Congratulations po!

Ilang impormante ang nagsabi na mayroon pang gumagalaw na mga tulak diyan sa nasabing area.

Hintay-hintay lang kayo, baka paggising ninyo isang umaga ay kasunod na kayo!

Hindi pa raw tapos ang imbestigasyon dahil may sinusudsod pang ‘ilang’ linta ang PDEA. Linta as in mabilis kumapit sa mga nasa kapangyarihan.

Go Gen. Aaron Aquino, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *