ISINUMITE sa Malacañang ni Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago ang kani-yang “irrevocable resignation.”
Ginawa ito ng opisyal ilang araw makaraan ni-yang punahin ang itina-yong mega rehab center sa Nueva Ecija.
Sinabi ni Santiago, i-pinauubaya niya sa Mala-cañang ang pag-anunsiyo sa kaniyang pagbibitiw.
Nito lang nakaraang Hunyo nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Santiago bilang pinuno ng DDB.
Nitong nakaraang linggo, pinuna ni Santiago ang pagtatayo ng 10,000-bed drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija dahil masyado aniya itong malayo.
Dahil sa lokasyon ng lugar, mahihirapan aniya ang mga kamag-anak ng mga ipapasok sa rehab center na dalawin ang mga pasyente, bagay na mahalaga sa rehabilitasyon.
“Drug rehab needs family support e. So kung dadalhin mo doon ang lahat ng addict mo, kagaya ng — merong taga-Batangas diyan. Hindi maka-dalaw ang pamilya dahil unang-una, malayo at magastos,” paliwanag ni Santiago sa nakaraang panayam.
Habang ipinagtanggol noon ni DoH-Disease Prevention and Control Director III Dr. Lyndon Lee Suy, ang mega rehab center, at sinabing maga-gamit ang pasalidad sa ibang bagay.
“Not really a miscalculation but rather na-project na ganoon karami talaga ang gumagamit,” ani Suy. “Maaring part of it we can convert to facility hospital maaring puwedeng paggamitan nito.”
Ang naturang mega drug rehab na sinabing ginastusan ng P1.4 bil-yon ay donasyon ng Chinese tycoon na si Huang Rulun.
Samantala, wala pang pahayag ang Malacañang tungkol sa pagbibitiw ni Santiago, na dati rin na-ging Chief of Staff ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP).