Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasahero naipit, nakaladkad ng LRT-1

SUGATAN ang isang 48-anyos lalaki nang maipit sa pintuan ng tren ng Light Rail Transit (LRT-1) at nakaladkad, sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Adventist Medical Center ang biktimang si Julieto Eco, ng Tanza Cavite, may mga sugat at galos sa mukha at iba’t ibang bahagi ng  katawan.

Sa ulat na natanggap ng Pasay City Police, dakong 6:00 pm nang mangyari ang insidente sa Gil Puyat Avenue Station (dating Buendia) ng lungsod.

Papasok ng trabaho ang biktima at nagmamadali nang habulin ang tren na paalis na, nakapasok ang kalahating katawan niya kaya naipit sa flatform at pag-andar ay nakaladkad.

Agad nagresponde ang mga guwardiya at isinugod ang biktima sa ospital.

Nakikipag-ugnayan na ang Pasay City Police sa pamunuan ng LRT-1 para sa isinasagawa nilang imbestigas-yon. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …