Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis at Jessy, ‘di totoong nagpakasal na

SA malalapit kina Luis Manzano at Jessy Mendiola, itinuturing nilang post-first anniversary ang ilang araw na bakasyon sa Japan. Nataon ang  first anniversary ng dalawa na nagkaroon ng fracture sa paa ang TV host noong June kaya sa Solaire Resort and Casino nila ginawa ang selebrasyon.  

Inamin nina Luis at Jessy na sobrang nag-enjoy sila sa kanilang bakasyon sa Land of the Rising Sun.

“Nag-Tokyo kami, nag-Osaka kami, tapos nag-one day kami sa Kyoto. Kumbaga, we got to take a good break, a well-deserved break. Na-enjoy namin ‘yung weather, ‘yung pagkain, kaya nga lumusog ako,” pagkukuwento ng anak ni Ate Vi. 

Pinabulaanan ni Luis na nagpakasal na sila ni Jessy sa Japan dahil kung magpapakasal man sila, sigurado siyang hindi ito magaganap sa Japan kundi rito sa ‘Pinas.

“May naiisip na nga kami kung saan, kung saka-sakali. It’s easier for the people around us. Secondly, naiisip namin na may mga magagandang places din naman sa bansa natin kung saan puwede naming gawin,” tsika nito.

Kaya lang biglang kambiyo si Luis dahil kailangang pag-usapan muna ang engagement.

Samantala nagkaroon kami ng pag-uusap ni Madam Suzette Arandela bago ito pumunta sa USA para sa kanyang yearly three-month vacation.

Base sa kanyang baraha, walang kasalang mangyayari sa dalawa sa taong ito but the sad part of it, wala umanong mangyayaring kasalan sa dalawa at mauuwi rin sa hiwalayan tulad ng nangyari sa relasyon nito kinaJennylyn Mercado at Angel Locsin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …