SUGATAN ang piloto at kanyang estudyante nang bumagsak sa lalawigan ng Aurora ang sinasak-yan nilang maliit na erop-lano, nitong Martes ng tanghali.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ligtas ang kalagayan ng pilotong si Captain Alfred Galvan at ang estudyante niyang sinagip ng mga awtoridad.
Paliwanag ni Elson Egargue, pinuno ng Aurora PDRRMC, sa matarik na bahagi ng bulubundukin sa Brgy. San Juan, Maria Aurora bumagsak ang eroplano kaya hirap ang mga rescuer.
“Safe naman sila, kaya lang ‘yung pinagbagsakan nila e medyo matarik. Kaya medyo mahirap akyatin. Pero safe naman sila, nakausap ko na ‘yung isa,” ani Egargue.
Bandang 10:00 am kahapon nang lumipad ang eroplano mula sa Lingayen airstrip bago ito bumagsak pasado 12:00 ng tanghali sa Aurora.