Tuesday , December 24 2024

Brgy. ‘bostsips’ (Sa pinto ng Palasyo) tropa ng prinsesa ng drug queen

‘MAGANDANG relasyon’ sa mga opisyal ng barangay ang pinaniniwalaang nasa likod nang matagal na pananatili ng nadakip na anak ng drug queen sa tungki ng Malacañang.

Ito ang isa sa mga anggulong sinisipat ng mga awtoridad sa kaso ni Diane Yu, anak ng convicted druglord na si Taiwanese Yu Yuk Lai na nakapiit sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Ayon sa source, may sampung taon nang nakatira si Yu sa condominium sa Barangay 646 sa San Miguel, Maynila, ilang metro ang layo sa Malacañang.

Nabatid sa source, isang palapag ng condominium ang inookupahan ni Yu at laging kasama ang nadakip din na bodyguard na si Police Officer 3 Walter Vidal ng Police Security and Protection Group – Philippine National Police (PSPG-PNP).

Inaalam ng mga awtoridad kung sino ang nagbigay ng awtoridad kay Vidad para magsilbing bodyguard ni Yu.

Ang PSPG ang yunit ng PNP na nagkakaloob ng security detail sa national government officials, foreign dignitaries at ilang pribadong indibidwal.

Sinabi ng source, maraming sasakyang pagmamay-ari si Yu at minsan ay nanghihiram umano sa kanya ang ilang opisyal ng barangay.

Ang prente umanong negosyo ni Yu ay pagbebenta ng bigas, at sa katunayan, inalok niya ang mga establisiyemento sa nasabing barangay na siya ang magsu-supply ng bigas.

Ang chairman ng Brgy. 646 ay si Roel Floro, nasa kanyang last term, habang ang ama niyang si Rey ay kagawad at matagal na nanilbihan bilang pinuno rin ng barangay.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) public information chief Derrick Carreon, isinailalim na sa inquest proceedings si Yu sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong drug trafficking at nakapiit na sa detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Habang si Vidad ay iniimbestigahan at nasa kustodiya ng  PSPG.

‘BIGAS’ PRENTE
NG ANAK
NI YU YUK LAI

BIGAS ang gamit na prente ng prinsesa ng drug queen at may VIP police security ang anak ng drug-dealing convict na tinagurian ng mga awtoridad bilang “drug queen,” bago arestohin, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Martes.

Inaresto ng mga ahente ng PDEA ang suspek na si Diane Yu Uy makaraan matagpuan ang P10 milyon halaga ng shabu sa kanyang condominium unit, malapit sa Malacañang Palace nitong Lunes.

Dalawang oras bago ito, P2 milyon halaga ng droga ang nakompiska sa loob ng Correctional Institute for Women, na pinagpiitan sa ina ni Uy na si Yu Yuk Lai.

Ang security detail ni Uy ay kinilalang si PO3 Walter Vidal ng Police Security and Protection Group. Si Vidal ay dating Special Action Force commando.

“Nagkaroon yata ng kidnapping threat itong si Diane and binigyan ng security,” pahayag ni PDEA chief Aaron Aquino.

“Ang problema lang dito, hindi yata na-profile nang maayos ng PNP iyong VIP na bininibigyan nila ng security.”

Ayon kay Aquino, si Uy ang nagsusuplay ng droga sa Correctional.

Sa ipinakitang surveillance clips, makikita si Uy na pinalalagpas sa pagkapkap ng mga guwardiya, habang nagde-deliver ng sako-sakong bigas, sinasabing may taglay na shabu, sa back door ng pasilidad.

Hinihinalang kinukuha ni Uy ang droga mula sa tatlong convicted drug lords sa New Bilibid Prison, dagdag ni Aquino.

Nakita sa kanyang cellphone ang sinasabing text messages hinggil sa mga order ng shabu.

“Malakas pa rin ang kalakaran ng droga sa loob [ng Bilibid],” aniya.

Samantala, sa “kubol” ni Yu Yuk Lai ay may natagpuang pantyliners na may nakasiksik na shabu.

Ang 72-anyos preso ang nagbabayad ng P1 milyong monthly power bill ng Correctional, ayon kay Aquino.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *