Saturday , November 16 2024
Sextortion cyber

17-anyos dalagita ginahasa ng FB friend

NAGA CITY – Arestado ang isang 20-anyos lalaki makaraan gahasain ang isang 17-anyos dalagita na nakilala niya sa Facebook sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si Albert Ragay, 20, inaresto sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation-Naga sa isang motel sa lungsod.

Ayon sa 17-anyos biktima, nakilala niya ang suspek sa social networking site na Facebook nitong Setyembre.

“Mabait naman po siya noon. Tiwala po ako sa kanya dahil ‘yung pakikitungo niya maayos naman,” aniya.

Una umano silang nagkita noong 30 Setyembre, nang yayain siya ng suspek na manood ng basketball game. Nagpaalam siya sa ama na aalis.

Isinakay siya sa motorsiklo ni Ragay ngunit hindi siya sa basketball court dinala, kundi sa mismong bahay ng suspek.

Ayon sa biktima, anim beses siyang ginahasa. Dagdag niya, kinuhaan siya ni Ragay ng hubad na mga retrato.

Inihatid siya sa kanilang bahay dakong 5:00 ng madaling-araw.

Sinabi ng biktima, nais niyang matigil na ang namamagitan sa kanila ni Ragay, ngunit tinakot siyang ipadadala ang kanyang hubad na mga retrato sa kanyang inang nasa abroad, mga kapatid at kaibigan.

Giit ni Ragay, may relasyon sila ng biktima kahit may live-in partner siya at isang taong gulang na anak.

Samantala, nagbabala ang mga awtoridad sa paggamit ng social media.

“Sa mga kabataan, especially sa mga kababaihan, mag-ingat sa pagamit ng social media. Minsan doon nila nami-meet ‘yung strangers na ‘di naman talaga nila kilala, ‘di nila alam kung ano ang motibo sa kanila,” ayon kay Rizaldy Jaymalin, hepe ng NBI-Naga.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong 7 counts ng rape, attempted rape, paglabag sa Anti-photo Voyeurism Act of 2009 at Cybercrime Law.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *