UMABOT na sa 125 katao ang napatay ng motorcycle-riding gunmen sa buong bansa sa halos isang buwan, ayon sa ulat ng pulisya, nitong Martes.
Sinabi ni Director Augusto Marquez, Jr., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), nakapagtala ang Philippine National Police ng mahigit 200 insidente na kinasangkutan ng motorcycle-riding gunmen mula 10 Oktubre hanggang 5 Nobyembre.
Sa nasabing bilang, 115 ang robbery incidents, 93 ang shooting incidents at tatlo ang stabbing incidents.
“These are incidents wherein motorcycles or scooters are used in the commission of a crime or to ensure a quick escape from the scene of the crime after its commission, as victims died, injured, or unharmed as a result thereof,” ayon kay Marquez.
Ang nasabing bilang ay mula sa DIDM’s Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS).
Ayon sa police official, sa kabuuang bilang ng naitalang mga insidente, tanging 10 ang may kaugnayan sa droga.
Aniya, ang motorcycle-riders ay nakabiktima ng kabuuang 363 katao sa loob ng 29-day period. Sa bilang na ito, 125 katao ang napatay.
Sinabi ni Marquez, umabot sa 64 motorcycle-riding suspects ang ina-resto ng pulisya, habang 380 ang nakalalaya pa.
Sa nasabing mga insidente, idineklara ng pulis-ya na tanging 45 ang naresolba, 14 ang “cleared” at 267 ang kasalukuyang iniimbestigahan.