Monday , April 7 2025
road traffic accident

1 tigbak, 1 sugatan sa trailer truck

BINAWIAN ng buhay ang isang babae habang sugatan ang kanyang kinakasama nang masagasaan ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Talipapa, Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa pagamutan si Maribeth Barde habang ang kanyang live-in partner na si Cris Bernal ay kasalukuyang inoobserbahan.

Ayon kay PO3 Andy Sotto ng Quezon City Police District Traffic Sector 6, sumalpok ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima nang bumukas ang pintuan ng isang AUV.

Tumalsik ang mga biktima at nasagasaan nang dumaraang trailer truck.

Papunta sa Balintawak ang mga biktima nang mangyari ang insidente dakong 8:20 pm habang binabaybay ang Quirino Highway.

Parehong nakakulong ang driver ng AUV na si Raymond Sevilla at ang driver ng trailer truck na si Jaime Gutang.

Nahaharap sila sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, and da-mage to property.

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *