Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Wala na bang pag-asang umayos ang serbisyo ng MRT!?

MABUTI na lamang at walang pasaherong may sakit sa puso ang Metro Rail Transit 3 (MRT3) nang magliyab ang isang bagon nitong Linggo ng umaga.

Sa totoo lang, wala nang bago sa balitang ito, pero ang nakatatakot talaga e ‘yung nagliyab!

Mantakin ninyo, nagliyab ang bagon ng MRT?!

Wattafak!

Hindi na lang tumitirik o biglang tumitigil ang MRT3, nagliliyab na ngayon!

Ipag-adya naman po sana, pero nakakikilabot ang pangitain na baka bigla pang dumating ang panahon na makoryente ang mga pasahero rito.

‘Wag naman po sana.

Kailangan bang ulit-ulitin nating ipaalala na ang rail transit ay malaking tulong sa commuting public dahil ito ay mura at mabilis na paraan upang makapasok sa trabaho at makauwi sa kanilang mga tahanan?!

Hindi ba’t ‘yan ang ultimong layunin ng rail transit system?

Ang magbigay ng kaalwanan sa publiko lalo na ‘yung walang ibang pagpipilian kundi ang sumakay sa mass transport system?!

Pero bakit kung alin ‘yung nakagiginhawa sa maliliit at mahihirap nating kababayan ay iyon pa ang laging pineprehuwisyo?

Heto pa ang isang ‘classic style’ ng ilang opis-yal ng gobyerno, tuwing nagkakaaberya ang MRT ang laging sinisisi ng mga nakaupo ngayon ay dating administrasyon.

Sonabagan!

Secretary Art Tugade Sir, mahigit isang taon na kayo sa posisyon, nakahihiya na ‘yung attitude na sisihin lagi ang nakaraang administrasyon sa mga kapalpakang mamamayan ang nagdurusa. Kaya nga kayo inilagay diyan sa puwesto ninyo para tulungan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ayusin at ituwid ang mga bulok na sistema sa mga ahensiyang inyong kinatatalagahan.

Wala kayo riyan para manisi nang manisi.

Anyway, habang isinusulat natin ang kolum na ito ay napabalitang sinibak na ng Department of Transportation (DOTr) ang BURI o ang Busan Universal Railways Inc., na kinontrata upang i-overhaul ang 43 light rail vehicles, total replacement ng MRT’s signalling system at iba pang maintenance work. Ayon sa DOTr, very poor ang performance ng BURI, hindi kayang siguruhin ang availability ng napagkasunduang bilang ng trains at bigo rin makakuha ng spare parts para sa immediate repairs.

Ang tanong po natin, kung sinibak ang serbis-yo ng BURI, sigurado na bang hindi mauulit ang mga kapalpakang naranasan ng MRT?!

At kung sino ang papalit, matitiyak ba nilang hindi na mauulit ang mga kapalpakan?!

Sana naman, dumaan sa mahusay na proseso ang pagpili ng bagong maintenance contractor nang matuldukan na ang paulit-ulit na kapalpakan sa sistema ng MRT!

‘Yun lang!

SMOKING BAN
PAIIGTINGIN
NG DOH

‘YAN ang pahayag ng Department of Health (DoH). Lalo na raw sa mga paaralan, para pangalagaan ang kalusugan ng mga bata at estudyante.

Magtatakda sila ng DSA o designated smoking area alinsunod sa itinatakda ng Executive Order 26 — nationwide ban on smoking in all public places.

Isa tayo sa mga natutuwa sa pagpapatupad ng batas na ito. Pero sana, hindi lamang sa mga paaralan o iba pang public places higpitan ang pagtatakda ng DSAs. Ipatupad din sana ito sa malalaking casino hotel na karamihan ng smo-kers ay walang paki sa ibang clientele.

Kapuna-puna ito sa Solaire, Resorts World Manila, Okada at City of Dreams. Grabe ang usok ng sigarilyo na nalalanghap at nasisinghot ma-ging ng non-smokers.

Subukan kayang umpisahan ng DOH ang smoking ban campaign sa mga lugar na ‘yan para maramdaman ang higpit ng kampanya ni Pangulong Digong.

Paging DOH OIC Usec. Herminigildo Valle!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *