Friday , November 15 2024

STL operator, nasa drug watch list?

ANO?!
Nasa drug watchlist ang isa sa STL operator? Ganoon kaya katotoo na hindi lang sa barangay nakalista ang pangalan nito kung hindi kabilang sa listahan na hawak ni Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte. Totoo ba ito? 
Ganoon kaya katotoo ang info, na bago nag-STL ang mama ay ilang beses na rin nasangkot sa droga ang operator? Ganoon ba?
        Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) batid ba ninyo ang info na ito? Teka, ano ba ang mga alituntunin sa pagkuha ng lisensiya sa PSCO para sa STL? Wala bang background check man lang bago ang prangkisa? Background check, kailangan pa ba iyon? Oo naman!
          Ngunit, ano ba ang mas mahalaga, background check ba o may pambayad sa milyon-milyong halaga ng prangkisa o cash bond? Alin ang mas mahalaga?
Pero ang nangyayari ngayon, tila panay ang bigay ng PCSO ng prangkisa at tila walang paki sa mga aplikante basta’t ang mahalaga ay mayroong capital. Ganoon ba ang patakaran ng PCSO? Hindi naman. Matino yata ang ahensiya.
Katunayan, ilan sa mga nabigyan ng prangkisa ang dating jueteng lord at maaaring tuloy pa ang jueteng ng mga operator o nagpapa-bookies sila para naman hindi sila talo sa napakamahal na prangkisa o cash bond ng STL.
PCSO general manager Alexander Balutan (Retired AFP General), pakisilip ang info. Totoo bang may nakalusot na STL operator sa ahensiya na sangkot sa droga? 

Casino sa QC, tinututulan!
Casino sa Quezon City? Bakit, kinakapos na ba sa kita ang pamahalaang lungsod kaya pinalulusot sa permiso para sa operasyon ng pasugalan?
Hindi naman siguro kinakapos ang city government dahil nito ngang nakaraang taon – 2016 ay umabot sa P16 bilyon ang koleksiyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng buwis at para sa taong ito, P18 bilyon ang target ng city government.
Hayun naman pala e, so bakit kailangan pa ng casino sa lungsod? Itanong ninyo sa pamahalaang lungsod lalo sa Sangguniang Panglungsod at malamang sila o ilan sa kanila ang makasasagot nito.
Teka, hindi kaya SOP ang pinag-uusapan dito kung kaya’t para bang itinatago nila sa mamamayan ng lungsod ang plano? SOP? Ano ba ang SOP? Ano pa nga ba kundi Save Our Pocket (SOP). So may kumita o kikita kapag nakalusot ang permiso mula sa city government para sa operasyon ng casino sa Kyusi?
Wala! Oo, walang hindi kikita este, walang kikita o kumita po rito. Hindi naman po kasi mukhang pera ang miyembro ng konseho ng lungsod. ‘Di ba? Ha ha ha!
Anyway, makaraang mabuko ang tahimik na pag-aaral ng Konseho para sa permiso ng paglalagay ng casino sa isang ginagawang 5-star hotel sa lungsod, nagkaisang tinututulan ito ng isang NGO (ang planong casino). Suportado naman ng simbahan Katolika, partikular ang Diocese ng Novaliches at Cubao, at ilang pribadong eskuwelahan sa Kyusi ang pagtutol.
Nanguna sa pagtutol laban sa pagtatayo ng casino si Edwin Rodriguez, punong convenor ng Kilusan Kontra Kasino sa Kyusi (4Ks), isang bagong tatag na grupo.
Tutol ang grupo, mga pari at pribadong eskuwelahan sa casino dahil sa masamang epekto o idudulot ng sugal (legal man o ilegal) sa indibiduwal o isang pamilya.
Isa sa pinuntirya ni Rodriguez ay pagkawasak ng isang pamilya kapag si mister o misis ay malulong sa pagsusugal sa casino. Hindi lang ang relasyon ng mag-asawa ang maaring mawasak sa masamang idudulot ng casino kung hindi ang buong pamilya.
Bukod dito, maging ang mga kabataan nasa edad 18-anyos na pinapayagang maglaro. Kaya, ang magiging resulta nito. Wasak ang kinabukasan ng bata. Bukod sa matututong gumawa ng kakaibang paraan ang isang kabataang manlalaro para mayroong ipangsugal sa casino.
Naniniwala naman ang grupo na nasa mesa na ni QC Mayor Herbert Bautista ang resolusyon para sa aprubal ng casino mula sa city council. ‘Ika ni Rodriguez pirma na lang ni Bistek ang kulang.
Ngunit, ayon sa source mula sa Konseho, hindi pa ito pumapasa sa Konseho at hindi isang permit para sa casino ang kanilang pinag-uusapan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *