Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikalimang anak ni Ogie, miracle baby

MIRACLE baby kung tawagin ng kaibigan at kumpareng Ogie Diaz ang latest addition sa kanyang mga supling.

Meera Khel (obviously from the word “miracle” is Ogie’s fifth daughter with Georgette.) Sa mga hindi nakaaalam, apat na buwan ding namalagi sa incubator ang kapapanganak pa lang noon na unnamed infant.

Isang ordeal ‘yon na kung tutuusi’y hindi deserved ng isang newborn baby, pero totoong may mga himala sa ating buhay. Buong pagmamalaking karga-karga ni Ogie si Meera, ang bunso sa limang sisterakas.

Tandang-tanda pa namin noong mga panahong nasa pangangalaga pa si Meera ng aparato. Sa bawat raket na nagkakamayroon si Ogie ay abot-abot ang kanyang pasasalamat dahil diretso ‘yon sa mga gastusin sa ospital.

Ogie’s hard work—idagdag pa ang taimtim na panalangin ng kanyang buong pamilya—paid off. Maayos nang lumalaki ang kanilang cute and adorable bundle of joy ni Mareng Georgette.

Kapaniwalaan na sa atin na kapag mga babae ang anak ng isang tatay, ang tawag sa kanila’y pambayad-utang for the sins of the father.

Karaniwan itong idinikit sa mga palikero o chickboy na ama.

Of course, for every rule—or superstitious belief for that matter—there’s always an exception. Kailan pa kasi naging chickboy ang may-akda ng Pak! Humor (Life Is Short Kaya Huwag Kang Nega)?

Puwede ba, boy na naging chick…charot! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …