KINOMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang 18 undervalued luxury cars na dumating sa Manila port nitong Oktubre.
Ang 12 Toyota Land Cruiser, tatlong Range Rover, dalawang Camaro, at isang McLaren ay galing sa Hong Kong, United Arab Emirates at US.
Binuksan nitong Lunes ng mga tauhan ng ahensiya sa harap ni BoC Commissioner Isidro Lapeña ang 12 container vans na kinaroroonan ng mga naturang sasakyan.
Sinabi ni Lapeña, nawalan sana ng P75 mil-yon ang gobyerno kung sakaling nakalusot ang 18 sasakyan.
Paliwanag niya, nagkakahalaga ng P4.9 milyon ang kada Land Cruiser, ngunit P1.8 mil-yon lamang ang halaga nito na idineklara ng consignee.
Habang idineklara ng consignee na P1.5 milyon ang P8.5-milyon Range Rover; P1.1 mil-yon ang P4.1-milyon Camaro; at P4.3 milyon ang P14.8-milyon McLaren.
1
“There was an information, then we issued an alert order, This is under valuation, so this is technical smuggling,” dagdag ni Lapeña.
Iniimbestigahan aniya ng BoC ang broker na si Roy Lasdoce at consignee na Gamma Ray Marketing.