Thursday , May 15 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Illegal gambling largado pa rin sa South Metro

HINDI pa rin pala tumigil ang ‘ligaya’ ng illegal gambling operator sa Metro Manila lalo sa southern part nito.
Ayon sa ating mga impormante, namamayagpag ang bookies ng STL at loteng sa area of responsibility (AOR) ng Southern Police District (SPD).

Hindi natin maintindihan kung tutulog-tulog ba o nagtutulog-tulugan lang ang mga bata ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr.?

Kung sakali, General Apolinario na hindi pa ninyo alam na namamayagpag ang illegal gambling sa inyong AOR, ito po…

Isang retiradong lespu na kung tawagin ay alias Boy Arohado at isang barangay official ang maintainer ng illegal gambling sa Wawa, Muntinlupa City.

Sa Tunasan, putok ang pangalan ng isang alias Samboy na may hawak ng STL at loteng ganoon din ang isang isang alyas Richard Taba at Madam Gie.

Nariyan din ang isang alyas Tisay at Lando sa Tunasan pa rin.

Sa Dongalo, Parañaque, isang alyas Joy ang may hawak ng bookies ng STL at loteng. Isang alyas Edgar ng Baclaran at alyas Dick sa Sunvalley, Parañaque.

Si Jacobo Jr., alyas (Ayungen) ang mayhawak ng bookies ng STL at loteng na umano’y sumesegway ng pautang sa mga tulak ng bato sa Taguig.

Ang coordinator ng STL na nagbobokies ay ibinuking na isang barangay official na kung tawagin ay alyas Wally.

Uy, buhay pa pala si Totoy Haruta gamit ang isang Happy Kool-kool at ang bangka ng bookies ay isang alyas Tausi ng Laguna.

Gen. Apolinario, Sir, hindi ba talaga nakaaabot sa inyo ang pondong ipinagkakaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at namamayagpag ang bookies ng STL at loteng sa inyong AOR?!

NCRPO chief, Gen. Oscar Albayalde Sir, ayaw ni PCSO Chairman Jorge Corpuz nang ganyan!

ENTREPRENEUR, INVESTORS
LUMALAYAS DAHIL SA SOBRANG
RED TAPE SA BPLOs

Panahon na para pakialaman ng Department of Trade and Industry (DTI) at local executives ang very unfriendly attitude ng ilang Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) sa maliliit na entrepreneur at investors na nais magtayo ng negosyo sa isang lugar.

Noong sinabi ni Pangulong Rodrigo “Di-gong” Duterte na gusto niya ng mabilis na transaksiyon sa iba’t ibang tanggapan o ahensiya ng gobyerno marami ang umasa na magaganap ito.

Sabi nga ng Pangulo, dapat pinakamatagal na ang tatlong araw tapos na ang transaksiyon. Pero mukhang sa Davao lang ito nangyayari dahil matagal nang ipinatutupad sa kanila.

Kamakailan, isang bagong investor ang nangunsumi sa isang siyudad sa Metro Manila. Mantakin ninyo, bukod sa napakaraming rekesitos ang hinihingi sa kanya, ang bagal pa ng usad ng dokumento?!

Wattafak!?

Ganyan ba ang utos ni Tatay Digong?!

Kaya hindi nakapagtataka na mara-ming investors ang lumalayas sa ating bansa. Hindi pa kasi nag-uumpisa ang negosyo nila, ang dami na nilang gastos.

Hindi pa lumalarga ang negosyo, lugi na!

DTI Secretary Ramon Lopez, Sir, mukhang tutulog-tulog lang din ang mga tao ninyo?!

O talagang hindi nila pinapansin ang utos ni Tatay Digong?!

Just asking…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *