PANAHON na para pakialaman ng Department of Trade and Industry (DTI) at local executives ang very unfriendly attitude ng ilang Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) sa maliliit na entrepreneur at investors na nais magtayo ng negosyo sa isang lugar.
Noong sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na gusto niya ng mabilis na transaksiyon sa iba’t ibang tanggapan o ahensiya ng gobyerno marami ang umasa na magaganap ito.
Sabi nga ng Pangulo, dapat pinakamatagal na ang tatlong araw tapos na ang transaksiyon. Pero mukhang sa Davao lang ito nangyayari dahil matagal nang ipinatutupad sa kanila.
Kamakailan, isang bagong investor ang nangunsumi sa isang siyudad sa Metro Manila. Mantakin ninyo, bukod sa napakaraming rekesitos ang hinihingi sa kanya, ang bagal pa ng usad ng dokumento?!
Wattafak!?
Ganyan ba ang utos ni Tatay Digong?!
Kaya hindi nakapagtataka na maraming investors ang lumalayas sa ating bansa. Hindi pa kasi nag-uumpisa ang negosyo nila, ang dami na nilang gastos.
Hindi pa lumalarga ang negosyo, lugi na!
DTI Secretary Ramon Lopez, Sir, mukhang tutulog-tulog lang din ang mga tao ninyo?!
O talagang hindi nila pinapansin ang utos ni Tatay Digong?!
Just asking…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap