Saturday , November 23 2024

CTR staff iba ang tinatrabaho sa bureau?!

MAY mga nagtatanong kung ano raw ba talaga ang duties and functions ng mga taga-Center for Training and Research (CTR) sa main office ng Bureau of Immigration?

Sa ating pagkakaalam, ang CTR ay under ngayon kay Atty. Roy Ledesma at ang primary function ng CTR ay mag-asikaso ng trainings and seminars na isasagawa ng ahensiya.

E bakit tila raw ang inaatupag ng ilang empleyado riyan sa CTR ay mag-fixing at mag-follow-up ng transaksiyon ng kanilang mga kliyente?

Kasama ba ito sa kanilang trabaho riyan?

Ilang empleyado raw diyan sa CTR ang notorious pagdating sa mga ganitong diskarte!

Isang Ms. Cakangkungan ‘este Cabacungan daw at isang nagngangalang Gerry ang akyat-baba sa apat na palapag ng Bureau of Immigration main office at walang habas kung magbitbit ng kanilang mga tinatrabaho!?

Sonabagan!!!

Napakasipag naman ng mga ‘yan at mula 4th floor hanggang 1st floor ay nararating nila?!

Daig pa raw nitong si Ms. Cabahuan ‘este Cabacungan ang tindera ng isda kung makaasta at lahat ng opisina ay nabubulabog tuwing siya ay mangungulit sa kanyang pina-follow-up na dokumento.

Wattafak!?

Bawal ‘ata ‘yan, ‘teh?!

Ayaw ng CSC ‘yan, gets mo?!

Pati raw JOs ay binubulyawan kapag hindi napagbibigyan ang kanyang gusto.

Kaya naman lahat ng JOs sa Bureau ay talagang isinusuka siya.

Napakamaldita pala ng isang ‘yan!

Ating napag-alaman na hindi naman pala isang organic BI employee itong si Ms. Cangkungan ‘este Cabacungan kundi isang Job Order din gaya ng iba.

King-enuh!

E ba’t ganyan kung makaasta? E hao hsiao pala?!

In fairness to her, matagal na rin naman daw nagsilbi sa Bureau since nag-start ang kanyang career as JANITRESS bago pa man siya inampon ng kanyang boss ngayon.

Susmaryosep!

Bonggacious pala ang credentials ni ateh!

Well, Commissioner Morente, Sir, baka po gusto ninyong ipa-check ang mga trabaho nitong si Ms. Cabacungan kung siya ay talagang qualified sa Center for Training and Research?

Mahirap kasi at mukhang fixing and facilitation ang expertise nito.

‘Di kaya ito ang ituro niya sa mga bagong empleyado riyan?

Paki-check din po kung authorized gumamit ng service vehicle ng Bureau si ate gurl.

Ayon kasi sa mga watch your car boys, siya raw ang gumagamit ng isang BI issued “Toyota Grandia” na dapat ay gamit ng isang hepe.

Job order may pa-kotse agad?!

Ayos ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *