Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Task Force ni Usec. Egco ‘pupurgahin’ ni Digong

KUNG matutuloy ang gagawing ‘cleansing’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang administrasyon sa darating na Enero ng susu-nod na taon,  malamang na kabilang dito ang Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Usec. Joel Egco.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, hindi iilan ang matataas na opisyal ang sinibak ni Digong dahil sa usapin ng korupsiyon at  kapalpakan sa pagganap ng kani-kanilang mga tungkulin.

Kahit matagal na kaalyado o kaibigan, hindi nangiming sibakin ni Digong sa kanilang puwesto lalo na kung may nasilip siyang kapalpakan o ‘di kaya naman ay nadawit sa mga kontrobersiya o katiwalian.

Unang sinibak ni Digong si Peter Laviña ng National Irrigation Administration (NIA) dahil sa isyu ng umano’y pagtanggap ng 40 percent na kickback sa mga contractor. Sumunod ay si da-ting Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno dahil sa maanomalyang pagbili ng Rosenbauer Firetrucks mula sa Austria.

Sinibak din ni Digong si Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez dahil sa usapin ng pakikialam para masuspendi ang rice importation ng National Food Authority (NFA).  Nasundan ito ng pagsibak kay Dangerous Drug Board Chairman Benjamin Reyes dahil sa maling paglalabas ng datos tungkol sa drug cases.

At nasibak din sina Energy Regulatory Commissioner Jose Vicente Salazar at Undersecretary Gertrudo de Leon ng Department of Budget and Management.

Kaya nga kung matutuloy ang gagawing ‘purgahan’ ni Digong sa Enero, ang Task Force ni Egco ang malamang na maunang tamaan nito.  Hindi man sa usapin ng korupsiyon ang kakaharapin, tiyak ang isyu ng incompetence ang ma-giging batayan para masibak si Egco.

Sa ilalim ng Task Force ni Egco, limang mamamahayag na ang napapatay, at hanggang ngayon walang hustisyang nakakamit ang mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Uulitin natin, hindi sa pamamagitan ng press release o propaganda makukuha ang tagumpay ng isang tanggapan o departamento kundi sa maayos na pagganap sa tungkulin ng mga namumuno rito.

Makailang beses na ba nating sinabing ka-ilangang magsagawa ng training, seminar o workshop ang Task Force ni Egco sa hanay ng mga reporter para alam nila ang kanilang gagawin kapag nahaharap sa panganib.

Pero dedma at walang aksiyon si Egco.  Walang inatupag kundi magpalabas ng sandamakmak na press release at propaganda sa kanyang Facebook. At sa susunod na mayroon na namang mapaslang na journalist siguradong pareho na naman ang linya ng pangangatuwiran ni Egco.

At ‘wag din mag-aalala itong si Egco, hindi lang naman ang kanyang Task Force ang pupuntiryahin ni Digong dahil maraming tanggapan ang sasalang sa matinding ‘cleansing.’

Payo lang natin kay Egco: Boy, ayusin mo kasi ang trabaho. Makinig sa payo ng matatanda, mahaba pa ang labanan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *