NAGING maayos at matahimik ang Undas 2017 lalo sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila — ang Manila North Cemetery.
Bukod sa nakompiskang ilang kutsilyo, alak, at mga baraha, wala nang iba pang untoward incidents na naganap at nanatiling maayos at sistemado ang lahat. Napanatili ang administrasyon ng Manila North Cemetery sa pamumuno ni Dan-Dan Tan ang disiplina kahit bumuhos ang libo-libong tao na bumisita sa kanilang mga kaanak na yumao. May ilang mga batang nawalay sa kanilang magulang ngunit agad rin naman nasolusyonan.
Ang naging mabigat na problema ay panaka-nakang pagbuhos ng ulan na naging sanhi ng pagpuputik ng kalye’t daraanan ng mga tao. Ang ulan rin ang naging pangunahing dahilan kung kaya’t naging mabagal ang daloy ng mga taong papasok at pauwi ng sementeryo.
Naging matagumpay rin ang Manila Police District (MPD) sa kanilang kampanya laban sa krimen at gulo. Police visibility ‘ika nga dahil halos bawa’t kanto ay may unipormado pulis na makikita’t mapapansin.
Sa kanilang matagumpay na pagbabantay ay binabati natin ang hanay ng MPD sa pamumuno ni Chief Superintendent Joel “Jigs”
Coronel gayondin kay MPD PS3 Supt. Tom Ibay.
Congratulations for a job well done! Mabuhay!
YANIG
ni BONG RAMOS