Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Sharon Cuneta

Sharon, ‘inilaglag’ si KC

IN a related news, hindi napigilan ni Sharon Cuneta na mag-react sa post ni Ai Ai sa gesture ni Sancho.

Pero ang dating niyon sa mga netizen ay panlalaglag ng megastar kay KC Concepcion.

Again, nakaka-cause ng pagkalito o public confusion ang latest emote ni Sharon.

At iisa rin ang nais naming itanong sa kanya, bakit to this day ay wala pang sagot si Sharon sa pasaring ni Pangulong Duterte laban sa kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan, o ng pahayag ni Davao City Mayor Sarah Duterte tungkol sa presidential ambition ng kanyang asawa?

That would be more interesting, ‘di ba?

SANCHO, MABUTING
ANAK KAYA PINAGPAPALA
NG NASA ITAAS

SA recent post ni Ai Ai de las Alas, proud niyang ipinakita ang liham at nakasilip na P1,000 na ibinigay sa kanya ng panganay niyang anak na si Sancho Vito.

Katas ‘yon ng unang talent fee ni Sancho mula sa FPJ’s Ang Probinsya no where he belongs to the Pulang Araw group.

First of our many random thoughts.

Ang perang ibinigay ni Sancho kay Ai was meant for the latter’s shopping spree. Kilala namin si Ai Ai bilang shopaholic, pero mind you, hindi niya bet ang mga high-end department stores. Madalas kasi siyang namimili sa pang-masa na chain na hindi na namin babanggitin pa ang pangalan.

Pero kung magkano man ang pang-shopping na ibinigay ni Sancho ay hindi na mahalaga. Even without it naman ay kaya ni Ai Ai na tustusan ang kanyang luho.

But coming from a genuinely thoughtful child is what makes a whole lot of difference. Sinasalamin din nito kung anong uri ng anak si Sancho, and for that ay humahanga kami sa kanya.

Second of our thoughts.

Wala na pala si Sancho sa GMA? Matatandaang isinama si Sancho sa isang sitcom noong panahong kapapasok pa lang ni Ai Ai sa Kapuso Network.

Kung hindi kami nagkakamali, iilan lang ang nilabasang programa ni Sancho, heto’t nasa top-ratingABS-CBN show na siya.

Sa dedikasyon ni Sancho sa trabaho, confident kami na mayroong lugar na naghihintay sa kanya sa bakuran ng Dos. Hindi nga lang siguro as bida material, pero via a role na mapapansin din ang kakayahan niya sa pagganap.

Naniniwala kasi kami na ang isang mabuting anak ay pinagpapala ng nasa Itaas, and Sancho is undoubtedly a good son (no pun intended sa isa ring palabas ng Dos).

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …