PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa lokal na antas sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ang pagsang-ayon ng Punong Ehekutibo sa nasabing hakbang ay inihayag makaraan magbuo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara, ng Davao City Peace Committee na magpupursige ng peace talks sa mga rebeldeng komunista.
“Yes. Kung mag-surrender kayo lahat, wala naman talaga mangyari. Fifty years in the making, then you are another 50 years.
We can talk continuously with the left. I am not about ready to give up everything and anything in the — in the, in the altar of peace for our country,” tugon ng Pangulo hinggil sa “locaized peace talks” na inilunsad ni Inday Sara.
Muling nanawagan ang Pangulo sa mga miyembro ng NPA na sumuko sa pamahalaan at tiniyak niyang bibigyan ng trabaho para makapagbagong-buhay.
“Wala akong ano diyan. I — I do not fight them with money or… I’m just saying na kung mag-surrender kayo, ayaw na ninyo gusto ng patayan, or pumatay ng kapwa mo Filipino, mag-surrender ka na. Bigyan kita ng bahay automa-tic, at bigyan kita ng trabaho. Pero magtrabaho kayo. This is not an honorarium,” aniya.
Matatandaan, ipinatigil ni Duterte ang peace talks sa kilusang komunista nang tambangan ng NPA ang convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato at inalmahan ang idineklara niyang martial law sa Mindanao bunsod ng Marawi crisis.
(ROSE NOVENARIO)