HINIKAYAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasang i-post ang kanilang planong pagbiyahe sa social media, lalo ngayong paggunita sa Undas.
Ayon sa PNP, ang travel post sa social media site ay tila imbitas-yon sa mga magnanakaw para looban ang mga bahay habang wala ang mga residente roon.
Hinikayat din ng PNP ang publiko na tiyaking maayos na naka-lock ang mga pintuan bago umalis ng kanilang bahay.
Kung kinakailangan, hilingin sa mga kapitbahay na i-monitor ang kanilang bahay habang walang tao.