Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maging handa sa Undas

MAHUSAY ang paalala ng Philippine National Police (PNP) na huwag ‘ipagyabang’ sa social media kung saan ang destinasyon bukas sa paggunita ng Undas.

Isa nga naman itong pag-anyaya sa masasamang loob para looban ang inyong mga tahanan.

Ikalawa, sana’y maging mulat sa obserbasyon ng Undas ang ating mga kababayan. Bukod sa pagpunta sa puntod ng mga mahal sa buhay na yumao na, ipagdasal din sila o kaya ay ipagpamisa.

Sabi nga, mas kailangan ng mga kaluluwa ang dasal.

Iwasan rin ang maling praktis kapag nasa puntod ng mga mahal sa buhay.

Hindi naman kailangan maging maingay o magdala ng maraming pagkain at pagkatapos ay nag-iiwan ng maraming kalat. Huwag kalimutan na wala kayo sa picnic grounds.

Huwag maingay. Irespeto ang pananahimik ng ibang nag-oobserba ng Undas.

Baka nalilimutan ninyo, bawal ang matatalas na bagay, inuming nakalalasing, sugal o iba pang laro na pagmumulan ng disrespeto sa mga yumaong mahal sa buhay.

Higit sa lahat, iwasang mag-engage sa iba’t ibang uri ng pagtatalo.

Isang mapayapang Undas po sa inyong lahat.

MABAGAL
NA INTERNET
INUPAKAN
NI JACK MA

Mantakin ninyo, si Jack Ma pa ang nakapuna na super bagal ang internet sa ating bansa?

Sa latest Q1-2017 o State of the Internet report mula Akamai, napabilang ang Filipinas bilang isa sa may pinakamabagal na average Internet connection speed sa Asia Pacific.

Ang Akamai po, ang pangunahing content delivery network (CDN) services provider para sa media bukod sa software delivery at cloud security solutions.

Mula sa global perspective, ang Filipinas ay nasa ika-100 antas o baytang sa listahan ng mga bansang may average speed na 5.0 Megabits bawat segundo (Mbps) sa unang yugto ng kasalukyang taon ng 2017 — sa kabila nang nakitang pagpapalawig at pag-angat ng internet na 54.5 porsiyento simula noong 2014 nang mag-average ang Filipinas ng 2.50 Mbps.

Siyempre nangunguna ang South Korea sa pamosong listahan na may average speed na 28.6 Mbps. Kasunod ang Hong Kong sa ikalawa na nagtala ng 21.9 Mbps.

Nakapagtataka ba na magkomento ang Chinese mega-billionaire na si Jack Ma para sabihing napakabagal ng pag-usad ng pag-unlad ng Internet sa Filipinas?!

Hindi po. Katunayan, isa kami sa biktima ng mabagal na internet sa Parañaque.

Kumuha na nga kami ng pinakamabilis daw, pero ganoon pa rin.

Sobrang bagal!

Wattafak!

Tahasang ipinamukha ni Jack Ma Aniya sa harap ng telecoms executives: “Your internet service is not good here.”

Paano nga natin makikita ang pag-unlad ng ating bansa kung sa internet lang ay napakakupad na?

Paging telecom companies!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *