Friday , December 27 2024
pnp police

Bagitong pulis maging kapaki-pakinabang sana

ANG suwerte naman nitong mga bagitong pulis natin na may ranggong Police Officer 1 (PO1) dahil dodoblehin ang kanilang suweldo simula sa Enero 2018.

Ito ang ginawang paniniyak kahapon ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa flag raising ceremony sa Camp Crame. Habang good news ito sa mga baguhang pulis, hindi naman kompleto ang sayang hatid ng balita ni Bato sa PO2 pataas dahil kahit may increase hindi naman 100 percent.

Base sa ipinalabas na Circular ng Palasyo, ang pulis na may ranggong PO1 na tumatanggap ng P14,834 base pay kada buwan ay tatanggap simula Enero sa susunod na taon ng P29,668. Base ang salary increase na ito sa pangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kung susumahin, malaki talaga ang increase na ito para sa ating mga baguhang pulis na inaasahan natin na bubuo sa hanay ng pulisya na may huwarang puso at isip na ang tunay na kapakanan ng bayan ang inuuna at hindi sarili.

Sana ay hindi masayang ang importansiya o pagpapahalaga na ibinibigay ng pamahalaan sa mga bagong pulis. Matapatan sana nila ang pagkalingang ito sa pamamagitan ng katapatan, pagpapahalaga sa buhay at katapatan ng mamamayan habang nagsisilbing bantay ng kapayapaan at katiwasayan ng bayan.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *